'Posh' closes after two seasons



Sad ang Christmas ng cast ng youth-oriented show ng QTV 11 na Posh dahil last taping day na nila bukas, November 29. Naka-two seasons din ang show kahit one season lang ang unang napagkasunduan ng Viva Entertainment TV (VETV) at QTV 11, na co-producers ng Posh.

In fairness ay nagustuhan naman ng mga televiewers ang concept ng show—reminiscent ng youth-oriented programs like TGIS and Gimik—na idinirek ni Jay Altarejos base sa magandang rating na nakuha ng Posh among the shows of QTV 11 (sister network ng GMA-7).

May reports na kumakalat na ang totoong dahilan daw ng pagkakatsugi ng Posh ay ang negative issues involving some of the members of the cast. Una na rito ang pagkawala ni Princess Violago na masyado raw prima donna sa set. (Ito rin kaya ang dahilan kung bakit siya natanggal sa S-Files as segment host at sa Hooo U?)

Then, recently, sina Iwa Moto at PJ Valerio naman ang nagkaroon ng tampuhan. Ito ay may kinalaman sa diumano'y pagbibiro ni Iwa na "makipag-sex"sa kanya si PJ nang nasa loob sila ng van papunta sa taping ng Posh.

Nag-deny si Iwa na may sinabi siyang ganun kay PJ at nag-walkout pa nga ang young actress sa press con ng pelikula niyang Pitong Dalagita last week dahil sa isyung ito. Si PJ naman ay kinumpirma ang balita at talaga raw sinabi yun ni Iwa sa kanya, pero biro lamang daw yun at hindi seryoso.

Ang ending nga ay hindi nagkikibuan sa set sina Iwa at PJ kaya naapektuhan din ang iba pang cast ng Posh na kinabibilangan din nina Gian Carlos, Nikki Bacolod, Vivo Ouano, Vanessa del Moral, among others. Nagbanta pa raw si Iwa na hindi siya magre-report sa taping, pero sumipot din naman siya kinabukasan. Yun nga lang, aloof daw ang controversial young actress sa kanyang mga co-stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP sa telepono ang publicity manager ng QTV 11 na si Angel Javier kaninang umaga, November 28, at pinabulaanan niya na may kinalaman sa negative issues sa ilang cast members ang pagtatapos ng Posh. Ayon sa kanya, talagang hanggang two seasons lang ang Posh dahil may binabalak ang Viva Television at QTV 11 na ipalit ditong show na mas malaki at mas maganda ang concept.

Sa ngayon, ayon kay Angel, ay hindi pa raw niya alam kung sinu-sino ang bubuo sa cast ng bagong show na ito.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN