Sunshine Dizon claims former male co-star is gay



"Bakla siya!" ang nakakagulat na statement ni Sunshine Dizon tungkol sa diumano'y totoong sexual preference ng dating young actor na si Chubi del Rosario. Si Chubi ay co-star ni Sunshine noon sa T.G.I.S., isang youth-oriented drama series.

"Matagal na naming alam yun, sa T.G.I.S. pa lang, noong nasa Viva pa kami," dagdag pa ni Sunshine sa taping ng Bakekang noong Lunes, November 27, sa Makati.

Sa pag-aakalang nagbibiro lang si Sunshine ay nilinaw namin sa kanya kung totoo ang kanyang sinabi at hindi off-the-record. Sumagot siya na wala siyang sinabing off-the-record. May mga taong naroon sa taping at narinig ang sinabi ng young actress.



Hindi pa rin kami basta naniniwala dahil sa huling pagkakita namin kay Chubi sa lobby ng Music 21, sa Timog, some months ago, kasama pa ni Chubi ang isang babae na ipinakilala niya sa amin na girlfriend niya.



Wala naman sigurong intensiyong siraan ni Sunshine ang dating young actor, na ang pagkakaalam namin ay nag-concentrate sa pag-aaral nito kaya iniwan muna ang showbiz. Si Chubi ang original na kapareha ni Anne Curtis noon sa T.G.I.S. at iba pang proyekto ng Viva.



Tungkol na rin lang sa gay issues, tinanong din namin si Sunshine kung bakla ba talaga ang ex-boyfriend niyang si Frank Garcia gaya ng mga nababalita.

Nagiging laman din kasi ng blind items si Frank, at kahit sa paglabas nito recently sa Love Spell ng ABS-CBN 2, may mga naroong nakapuna sa mga kilos at tikwas nitong puwedeng mapagkamalang bading. Nasa posisyon kasi si Sunshine na magsalita dahil naging ex niya si Frank.



Hindi direktang sinagot ng young actress ang tanong, pero ang sabi niya: "Naku, basta hindi ko alam kung dahil sa lakas ng personality ko na hindi nakaya ng powers niya... I can't imagine na dahil doon at saka siya naging ganoon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN