Katrina Halili dapat kabahan kay Iwa Moto?



May rason para kabahan si Katrina Halili kay Iwa Moto dahil mabentang-mabenta raw ang December 2006 issue ng FHM magazine kunsaan cover girl ang controversial na si Iwa.



Ayon na rin sa isang nasa FHM, happy sila dahil hindi pa man daw lumalabas ang magazine ay marami na silang nakukuhang advance orders nang malaman ng dealers na si Iwa ang magiging cover. Isang sign nga ito na nagiging isang star na talaga si Iwa kahit na sabihin pang pasaway o maldita ito.



Obvious naman na pinupuwesto na si Iwa para maging isang solo star sa 2007. Balita nga namin ay may isang production outfit na gustong bigyan ng launching movie si Iwa. Sexy ang tema ng pelikula, pero pinag-aaralan pa raw ito ng mabuti ng GMA Artist Center na siyang nagha-handle ng career ni Iwa.



Ayon naman sa isang source na nasa kampo ni Iwa, ayaw raw madaliin ng GMA Artist Center ang pagpasok nito sa mundo ng pagpapa-sexy. Mahirap nga naman kung hinog sa pilit ang gagawin nila kay Iwa. Mabuti na raw yung pag-aralan muna nila ang mga susunod na hakbang. Ang paglabas ni Iwa sa FHM, ang leading men's magazine dito sa Pilipinas, ay inaprubahan ng GMA Artist Center.


Samantala, si Katrina Halili, na tinaguriang FHM Sexiest Woman sa Pilipinas, ay maaaring nagkakaroon ng problema. Balitang mahina sa takilya ang launching film nitong Gigil.


Ito raw ang ayaw mangyari ng GMA-7 kay Iwa kaya hindi dapat madaliin ang career rise nito. Dapat pagplanuhan nga naman ang mga project ng isang potential lead star ng sinasabing pinakamalaking network sa bansa ngayon.

Sa resulta ng Gigil, di kaya too much too soon ang nangyari kay Katrina? May mga nagtatanong kung paano pa magbibida ulit si Katrina kung ang unang solo movie niya ay tila di na tinangkilik ng manonood? Sa kabilang banda, pag may backing naman galing sa isang dambuhalang network, madali na lang maiayos ang career path uli ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN