Politicians reveal their showbiz crushes



Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview ang anim na kilalang congressmen ng bansa na sina Bem Noel of Anwaray Party List, Gilbert Remulla of Cavite, Timmy Chipeco of Laguna, Sonny Angara of Aurora, Joel Villanueva of Cibac Party List, and Mujib Hataman of Anak Mindanao Party List.


Ang interview ay nangyari over late dinner sa Congo Grill near ABS-CBN, last Wednesday, November 29. Bukod sa anim, kasama rin nila sa kanilang grupo si Rep. Chiz Escudero of Sorsogon, pero huli na itong nakarating dahil sa kanyang radio program.

Silang pito ang tumatayong producers ng pelikulang Donsol starring Angel Aquino and Sid Lucero. Unlike others, wala raw pangalan ang grupo nila since they don't take themselves seriously naman daw.

Basta para sa kanila, masaya sila sa nabuong pagkakaibigan na labas sa pagiging politicians nila. Pare-pareho raw sila ng hilig sa pagkain at paglalaro ng basketball. Siguro raw, kung meron mang masasabing similarity nilang pito at masasasabing pinagmulan ng friendship nila ay ang pagiging pro-impeachment nilang lahat.

(Mayroong di mamatay-matay na moves to impeach President Gloria Macapagal Arroyo. Ang pinakahuli ay bunga ng pagkakasangkot ng pangulo sa "Hello Garci," or election-rigging, issues. Isang embarrasing at shocking tape na naglalaman ng phone conversation between two people, na pinaniniwalaang sina Comelec Commissioner Garcellano at President GMA, ay kumalat sa buong bansa. Ngunit dahil nasa mayorya ang mga pro-GMA sa Lower House ng kongreso, laging napapatay ang impeachment moves.)

Nakatuwaan ng PEP na itanong sa anim na opposition congressmen kung sino sa female stars natin ngayon ang masasabing crush nila.



Ayon kay Gilbert Remulla, "Favorite kong talaga si Angel Aquino. First of all, siya ang star namin sa Donsol. She's really beautiful, talented, napakabait at walang ere."



Si Timmy Chipeco naman, na bukod-tanging single sa grupo, ay namumroblema dahil marami raw siyang ina-admire. Pero bandang huli, nagsabi rin ito na: "Si Sitti. I really admire her. Mas gusto ko pa siya kapag kumakanta na siya because she's really good."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Si Joel Villanueva, anak ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord Fellowship, ang pinakabata sa 31 years old at ang pinakakalog. "Si Jennylyn Mercado, ka-age ko kasi siya!" biro niya. "But seriously, humanga ako sa story niya from rags to riches at sa napakarami na niyang napagdaanan sa buhay. Wish ko nga, sana makapagpa-picture with her," natatawang hirit pa niya.



Para kay Bem Noel naman, si Megastar Sharon Cuneta raw ang ina-admire niya, na sinundan ng tukso ni Rep. Villanueva na kaya raw pala madalas nila itong mahuling masama ang tingin kay Sen. Francis Pangilinan.



Si Kristine Hermosa naman ang type ni Rep. Sonny Angara na siyang napansin naming pinakatahimik sa grupo.



Si Mujib Hataman naman ay mahilig daw manood ng mga Pinoy movies at hinahangaan niya ang aktres na si Gina Alajar dahil sa mga pelikula nitong may social relevance.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN