Chokoleit gets a role of a lifetime



Malaking karangalan para sa gay comedian/comedy bar host na si Chokoleit na gampanan ang role bilang Didi, ang gay sidekick ni Zsa Zsa Zaturnnah (Zsa Zsa Padilla), sa 2006 Metro Manila Film Festival official entry ng Regal Entertainment na Zsa Zsa Zaturnnah: Ze Moveeh.



Hindi raw kasi niya inaasahan na mabibigyan siya ng pagkakataon na mapabilang sa isang malaki at inaabangan na pelikula ng taon.



"Walang biro, ito na yung ultimate para sa akin," sabi ni Chokoleit sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Zsa Zsa Zaturnnah last Monday, November 27, sa Imperial Palace Suites. "Halos mapaiyak nga ako nung sabihin na nakuha ko yung role. Talagang walang expectations."

Kuwento pa ni Chokoleit ay marami raw silang nag-audition para sa naturang role.



""Mga 50-plus na mga bading na galing sa kunsaan-saang comedy bars ang nandoon [sa audition]," natatawa niyang sabi. "Isipin mo na lang ang isang kuwarto na puro mga bading. Lahat may kanya-kanyang personalidad. Pero lahat naman kami roon ay mga starlet lahat!" biro pa niya.

Dagdag niya, "Kahit ako, pakiramdam ko starlet pa rin kasi nga wala pa namang masasabing pang-big star na ginawa ko. Kaya isipin mo na lang isang kuwarto na puro starlet, di ba? Siyempre, ang iisipin mo na lang na isang gay comedian na may malaking name ang kukunin nila kesa sa aming mga starlet."



Nilinaw rin ng gay comedian, na unang sumikat sa mga comedy bars, ang balitang personal choice daw siya ng direktor ng pelikula na si Joel Lamangan. Ang sabi-sabi ay iyon ang dahilan kaya siya ang kinuha.



"May narinig akong ganung kuwento na personal daw akong gusto ni Direk Joel," pag-amin ni Chokoleit. "Pero nag-audition pa rin ako. Dumaan pa rin ako sa tamang proseso. Siguro, natutuwa lang sa akin si Direk Joel, pero it doesn't mean na siya ang kumuha sa akin for the role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Dagdag pa ng talented comedian, "Siguro na-meet ko naman yung requirements ng role bilang Didi kaya napunta sa akin. Natuwa naman ako kasi alam ng mga bading ang kuwento ng Zsa Zsa Zaturnnah, at isa sa mga nakakatuwa at memorable character doon si Didi. Kaya noong sabihin sa akin na ako napili, hindi ako makapaniwala. As in, parang tumigil ang mundo ko sa sobrang tuwa."


Doon naman sa "sulot" issue, natatawa na lang si Chokoleit dahil pakiramdam niya ay napaka-powerful naman niya kung totoo nga yon.



"Naku, kung manunulot na lang ako, sana yung role na lang ni Zsa Zsa Padilla, di ba? Bakit yung pang-support lang ang susulutin ko? Yung pambida na sana kung may powers rin lang ako!" ang tawa niya.



Kuwento pa ng di katangkaran at dark-skinned na komedyante, "Ang alam ko lang kasi ay parehong in-offer yung role kina Ogie Alcasid at Allan K. Si Ogie yata, mas gusto niya yung role ni Ada [now played by Rustom Padilla]. Tapos si Allan naman, hindi na yata niya tinanggap kasi may Enteng Kabisote [3] movie na siya. At malinaw na nag-audition ako. Itanong pa nila sa mga kapwa starlets ko!"


Ibinalita rin ni Chokoleit na pumirma na siya ng eight-picture contract sa Regal Entertainment.



"Imagine, contract starlet na ako ng Regal! Puwede ko nang ipagmalaki na Regal Baby na ako!" masayang sabi ni Chokoleit. Di nga naman birong mapasama sa mga tinatawag na Regal Babies ni Mother Lily Monteverde, na kinabilangan at one time or another nina Aga Muhlach, Richard Gomez, Maricel Soriano, Snooky Serna at marami pang naging major stars ng pelikulang Pilipino. Bago-bago nga lang itong tinatawag ni Chokoleit na Regal "starlet!"



Christmas wish din ni Chokoleit na manalo siya ng award para sa role niya sa Zsa Zsa Zaturnnah.



"Hindi naman masamang mangarap o mag-ilusyon, di ba?" seryosong sabi niya. "Gusto kong manalo ng best supporting actor para sa role ko as Didi. Kung mangyari, ikaloloka ko yan. Pero kung hindi, thankful pa rin ako sa mga nangyayari sa buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN