Lara Morena furious at boyfriend's revelations



Galit na galit si Lara Morena sa mga ipinahayag ng kanyang boyfriend, ang Viva Hotmen member na si Tonio Quiazon, sa Startalk kahapon, December 2. Ipinagtapat ni Tonio sa televiewers na hindi totoo na hiwalay na sila ni Lara.



Nagpasya si Tonio na magsalita dahil nalaman niya na tuloy ang kaso na isinampa laban sa kanya ni Lara. Buo raw ang kanyang paniniwala na ayos na ang kanilang problema pero wala siyang kamalay-malay na anumang oras ay maaari pala siyang hulihin ng mga pulis.



Pambubugbog ang akusasyon ni Lara laban kay Tonio.

Nang mag-guest si Lara sa The Buzz noong nakaraang Linggo, November 26, pinabulaanan niya ang balita na nagkabalikan sila ni Tonio. Nagkita lamang daw sila sa sa Metro Bar nang panoorin niya ang November 22 show ng "Men of Provoq" kung saan kasali si Tonio.

Ayon pa kay Lara, tuloy ang hearing ng kanilang kaso.



Iba ang version ni Tonio. Magkasama raw sila ni Lara sa "Men of Provoq" dahil kasali siya sa show.



Diumano, nagpumilit si Lara na sumama dahil meron itong babae na pinagseselosan. Ayaw rin daw ng aktres na magsuot ng sexy trunks sa show si Tonio.

Napanood ni Lara ang Startalk guesting ni Tonio. Sa sobrang galit, halos hindi siya makahinga habang kausap ang staff member ng isang talk show.



Pagkatapos ng interview sa kanya ni Butch Francisco, nagulat daw si Tonio nang lapitan at pagalitan siya ni Jopay MaƱago, reporter at writer ng Startalk.



Tahimik lamang ang baguhang sexy actor habang inaakusahan siya ni Jopay na ginagamit niya ang Startalk para mapag-usapan.



Nakasalubong namin si Tonio habang papalabas ito ng studio. Panay ang hithit niya sa hawak na sigarilyo at kitang-kita sa kanyang mukha ang bagabag dahil sa natikman niyang mga pananalita mula kay Jopay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN