Rita Avila's baby dies



Less than a month matapos isilang ng aktres na si Rita Avila ang kanyang anak na si Elia Jesu, binawian ng buhay ang sanggol pagkatapos ng heart failure nito kagabi, December 2.

"He's gone," ang sabi ng text message ni Rita sa mga kaibigan, na hinilingan niya na ipagdasal ang operation ng kanyang month-old baby na si Elia Jesu, ang panganay na anak nila ng TV director na si Erick Reyes (Maging Sino Ka Man).

Natanggap ng mga kaibigan ni Rita ang text message noong Sabado bago alas-siyete ng gabi. Ikinalungkot nila ang balita na namatay si Elia Jesu na tinawag ni Rita na "miracle baby."

Isinilang ni Rita si Elia Jesu noong November 10, 2006.

Tuwang-tuwa ang aktres at ang kanyang asawa dahil matagal nilang ipinagdasal sa Diyos na magkaroon ng anak.

Noong unang mabuntis si Rita, nalaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan kaya nakaranas siya ng matinding depression.

Nabaling ang atensiyon ni Rita sa dalawang stuffed toys na binili niya sa isang department store. Popoy at Mimay ang pangalan na ibinigay ng aktres sa stuffed toys na itinuring niyang mga tunay na tao at sariling anak.

May birthday pa sina Popoy at Mimay. Tuwing kaarawan nila, ipinaghahanda sila ni Rita at nag-iimbita ito ng mga bisita. Isinasama rin ng aktres sa mga TV taping ang kanyang mga "anak" at ipinakikilala sa co-stars niya.

Dala ng pagtrato niya sa mga manyika, nagkaroon ng usap-usapang umabot na sa TV talk shows tungkol sa "pagkasira ng ulo" umano ni Rita.

Nang muling magbuntis si Rita sa pangalawang pagkakataon, naging lubhang maingat siya sa pagkilos dahil gusto niya na maging successful ang kanyang pregnancy.

Elia Jesu ang pangalan na pinili nina Rita at Erick para sa kanilang anak. Elia dahil paborito ni Erick ang Hollywood movie director na si Elia Kazan (director ng classic films na A Streetcar Named Desire at On The Waterfront—both starring Marlon Brando) at Jesu na Latin name ni Jesus Christ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong ipinagbubuntis ni Rita ang kanyang anak, araw-araw niyang kinakanta ang "Ama Namin" ("The Lord's Prayer") at nagugulat daw siya dahil gumagalaw ang kanyang tiyan kapag nagsisimba sila at inaawit sa misa ang awit para sa Diyos.

Sa kasamaang palad, may heart ailment si Elia at isinugod ito sa Medical City sa Ortigas, Pasig, noong Sabado.

Ayon sa isang source, maituturing ngang miracle baby si Elia dahil binawian ito ng buhay noong umaga, pero muli siyang na-revive. Si Elia ay inoperahan ng 10 ng umaga noong Sabado, tumigil ang puso nito ng 4 ng hapon, na-revive muli, hanggang sa tuluyan nang binawian ito ng buhay ng bandang 6 ng gabi.

Hiniling ni Rita ang dasal ng kanyang mga kaibigan para sa kaligtasan ni Elia sa pamamagitan ng text messaging pero binawian din ng buhay ang bata noong Sabado ng gabi.

Ikinalungkot ng mga nagmamahal kina Rita at Erick ang balita dahil alam nila ang matinding kagustuhan ng mag-asawa na magkaroon ng anak. Nang huli silang makunan ng camera, niyayakap ni Erick si Rita.

Kahapon ng umaga, December 3, 11 ng umaga, pina-cremate ng mga magulang ni Elia Jesu ang batang mag-iisang buwang gulang sa December 10. Inilibing ito ng 1 ng hapon sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City.

Naroon si Rita sa paglibing, at nagawa pa nitong tapusin ang Misa, ngunit walang tigil ito sa pag-iyak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN