Lara Morena and boyfriend give conflicting stories



Follow-up story ito sa never-ending issue tungkol kay Lara Morena at sa kanyang boyfriend, ang Viva Hotmen member na si Tonio Quiazon.



Inamin ni Tonio kahapon, December 3, sa The Buzz ng ABS-CBN, na dalawang buwan ng buntis si Lara at handa siyang panagutan ang pagbubuntis ng sexy star.



Nag-guest naman kahapon din si Lara sa S-Files ng GMA-7, ang katapat na show ng The Buzz. Sa interview sa kanya ni Richard Gomez, kinumpirma ng sexy star na nabuntis nga siya ni Tonio, ngunit galit na idinagdag nitong nalaglag ang bata dahil sinuntok siya ni Tonio sa tiyan nang nag-away sila.



Inirereklamo ni Lara ng pambubugbog ang kanyang boyfriend at nasa Quezon City court na ang kaso.


Bukod sa pananakit sa kanya ni Tonio, ibinulgar din ni Lara na gumagamit ng marijuana ang kanyang boyfriend. (Bagamat ang paggamit ng marijuana ay legal sa ibang bansa at mayroong ebidensiyang may medicinal value ito, ang marijuana ay ilegal sa Pilipinas.)

Malinaw sa Dec. 3 S-Files interview ni Lara na ayaw na nitong makipagbalikan sa dating boyfriend. "Stupid" na raw siya pag bumalik pa.

Malinaw rin sa naunang Dec. 2 StarTalk interview ni Tonio na ayaw rin na niyang balikan ang dating girlfriend. "Sobra na ang paggagamit niya sa akin," sabi nito, na ang tinutukoy ay ang publicity na nakukuha ni Lara sa battery story.

Ngunit sa Dec. 3 The Buzz live interview ni Tonio, nagbago ang tono nito. Kalmadong sinabi nito na okay na sila uli, at ang gusto na lang nito ay pagtuunan ng pansin ang magiging anak nila.

Ngunit ng araw ding iyon, sa kabilang channel S-Files live interview naman ni Lara, sinabi ng single mom (may anak siya sa dating asawa na businessman) na nakunan na nga siya dahil sa pambugbog ni Tonio.






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN