Bing Loyzaga hinahanapan ng date ng anak niya



Natatawang ikinuwento ng aktres na si Bing Loyzaga na may mga inirereto raw ang anak niyang si Alyssa para maka-date niya. Pero sa ngayon daw ay wala siyang balak makipag-date sa kahit sinong lalake, lalo na raw kung kasing-edad ito ng kanyang anak. Alyssa is now 17.



"Nakakaloka ang anak ko, ‘di ba? Siya pa ang naghahanap ng makaka-date ko!" natatawang sabi ni Bing sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Enteng Kabisote 3: The Legend Goes On and On and On last December 1 sa Virgin Café, Tomas Morato.

"Naku, sabi ko kay Alyssa, ‘Anak, ayokong matawag na cradle snatcher at wala akong balak na maging yaya.' Tama ba namang ipakilala ako sa mga bagets? Ibang klase rin ang anak ko."

Hiwalay na kasi si Bing sa asawa niyang si Janno Gibbs at alam daw ni Alyssa na malabo nang magkabalikan ang kanyang mga magulang.



"Pero si Alyssa kasi, she's open to the reality na mahirap na kaming magkabalikan ng dad niya," kuwento ni Bing. "Okey na sa kanya na may makilala akong iba at ‘yung lumalabas ako na may ka-date. She said nga na she just wants me to be happy with my life."



Dagdag pa niya: "Sinabi ko sa kanya na masaya naman ako, lalo na with her and her sister Gaby. Si Alyssa kasi, she's already 17 years old kaya aware na siya sa mga puwedeng mangyari. Gaby is only nine years old kaya we're careful with her. Silang dalawa ang kasiyahan ko ngayon sa buhay at hindi kung sinu-sinong lalake, ‘di ba?"



Tungkol naman sa pagpa-file ng annulment upang tuluyan nang mapawalang-bisa ang kanilang kasal, open daw sila ni Janno rito. Puwede raw silang mag-file kung sa palagay nila ay oras na. Sa ngayon daw kasi ay hindi pa kailangang madaliin ang pagpapawawalang-bisa ng kasal nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Napag-usapan na namin ‘yan and it's really an option to think about," banggit ni Bing. "I can file it any time at siya rin naman puwede. Worried lang kasi kami sa mga bata.

"Right now kasi, pareho na kaming may freedom ni Janno. If he goes out with some girl, okey lang and vice versa. Pero ako, hindi na siguro. Mashonda na ang lola n'yo!"

Patuloy pa niya, "Mas maganda ang ganito na mga bata na lang ang inaasikaso ko. Mahirap na ‘yung may masilip ang ibang tao sa akin, ‘di ba? Kaya huwag na lang."

Bing will once again portray Satana sa third installment ng Enteng Kabisote, na official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival. The film also stars Vic Sotto, Kristine Hermosa, Giselle Tongi, among others.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN