Oyo Sotto, Kristine Hermosa, other celebs at Rodrigo Duterte's campaign rally

Apr 9, 2016
<p>Oyo Sotto and Kristine Hermosa posted a photo with their presidential bet, Mayor Rodrigo Duterte, right after the latter's campaign rally at Alabang, Muntinlupa City on Friday night, April 8.</p>

Sa wakas ay personal na nakilala ng mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa ang kanilang presidential bet na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Base ito sa Instagram post na ibinahagi ni Oyo matapos ang isinagawang campaign rally ni Mayor Duterte sa Alabang, Muntinlupa City, Biyernes ng gabi, April 8.

Bago ito ay bukas ang celebrity couple sa pagsasabi na handa silang suportahan si Mayor Duterte nang libre. 

CELEBS AT DUTERTE'S CAMPAIGN RALLY. Pasado alas onse ng gabi ng matapos ang mahigit isang oras na speech ni Mayor Duterte tungkol sa kanyang plataporma bilang presidential candidate.

READ: 15 quotes from Mayor Rodrigo Duterte's campaign rally in Alabang

Puno ng solid supporters ni Mayor Duterte ang open grounds ng Alabang, at karamihan sa mga ito ay naghintay ng mahigit anim na oras para lamang masilayan ang PDP-Laban standard bearer.

Gayunman, puno ng kasiyahan ang mga tao habang naghihintay, lalo pa’t naroon ang ilang celebrities na nag-perform ng iba’t ibang production numbers.

Continue reading below ↓

Naroon ang Mocha Girls na nag-perform ng ilang production numbers bandang alas sais ng gabi. 

Ang Your Face Sounds Familiar Season 2 contestant at Game Ng Bayan host na si Erik Nicolas ay nagsimula nang mag-host at nagpa-games sa mga naroon mula pa alas kuwatro ng hapon. 

Continue reading below ↓

Kumanta naman si Jimmy Bondoc ng ilang awiting nilikha niya para kay Mayor Duterte kabilang na ang "Takbo."

Habang ang The Voice of The Philippines Season 1 finalist na si Thor Dulay ay kumanta ng "Thinking Out Loud."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Oyo Sotto and Kristine Hermosa posted a photo with their presidential bet, Mayor Rodrigo Duterte, right after the latter's campaign rally at Alabang, Muntinlupa City on Friday night, April 8.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results