Ex-lovers Dingdong Avanzado and Rachel Alejandro meet by accident



Nagkita at nagkagulatan ang dating magkasintahan na sina Dingdong Avanzado and Rachel Alejandro sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi, December 7.

Sa Vallejo Valley, California, na naka-base ngayon sina Dingdong, ang asawa nitong si Jessa Zaragoza, at ang anak nilang si Jayda after they were given a special visa for aliens of extraordinary ability. Ang visa ay ibinibigay ng Estados Unidos sa mga banyagang may di pangkaraniwang kakayanan sa larangan ng sciences, arts, education, business, or athletics. Sa mga darating na tao, ito ay maaaring magdala ng "green card" kina Dingdong.

Nevertheless, nagpe-perform pa rin ang mag-asawa, solo or in tandem, not just in the United States but elsewhere in the world.

Recently, Jessa was the front act and the only special guest sa concert ng the original Platters na ginawa sa Reno, Nevada. Last December 1 to 5 naman, nasa Australia ang mag-asawa, pati ang anak nila, for a two-night concert na ginawa nila roon. Noong December 1 ay nag concert sila sa Bankstown Hall sa Sydney, at noong December 3, sa Townsville naman. Pinababalik daw sila sa Australia ng June, sa dakong Melbourne naman at dalawang pang siyudad.

Since Australia is nearer to the Philippines, the family decided to stop over muna rito ng isang araw bago bumalik sa Amerika. Wednesday ng tanghali sila dumating sa Pilipinas. Nakakatanggap agad si Dingdong ng mga text and calls sa mga pinsan at kaibigan nito asking for comments sa ginawang radio interview ni Rachel sa programa ni DJ Mo.

Sa isa kasing tanong ng kung sino ang naka-deviriginize sa kanya, Rachel gave Dingdong's name. Ito raw ay nangyari isang February 13, five days before she turned 18. Flabbergasted si Dingdong—pero mukhang flattered din—sa sagot ni Rachel dahil di niya akalaing ibubunyag ito ng kaniyang ex.

Ka-text naman namin si Jessa Thursday night para hingin ang comment niya sa pangyayari. Noong time na iyon ay malapit na silang mag-check in ng pamilya niya sa NAIA. Biglang nag-text back si Jessa na mamaya na lang kami mag-usap over the phone dahil kasabay pala nila sina Rachel at Geneva Cruz sa NAIA ng mga sandaling iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papuntang San Francisco sina Rachel and Geneva that night. Sina Dingdong at Jessa naman ay papuntang Los Angeles. Hindi magkasama sa flight ang apat, pero nagkasama naman sila sa Mabuhay Lounge while waiting for their respective flights.

Kuwento sa amin ni Jessa, nakapag-hi and hello lang daw sina Dingdong and Rachel. Kasama kasi ni Dingdong si Jessa at si Rachel naman was with her boyfriend, so no way na mapapag-usapan nila ang ginawang interview ni Rachel.

Final statement sa amin ni Jessa via text regarding the issue: "You would normally think something like that would be kept private but I guess for her [Rachel], it was too memorable of an experience to want to share it to the world. Shocking! Kakaloka!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN