Cristine Reyes not yet decided on ABS-CBN transfer



Ipinagtaka ng marami ang pagba-backout ng young actress na si Cristine Reyes sa bagong love/adventure teledrama ng GMA-7 na Asian Treasures starring Robin Padilla and Angel Locsin. Marami tuloy ang nag-akala na totoo ngang lilipat na siya sa ABS-CBN pagkatapos ng kontrata nito sa GMA Artist Center sa January 2007.


Kasalukuyang nasa Barcelona, Spain, si Cristine kasama ang ate niyang si Ara Mina. Trip to Europe raw kasi ang Christmas gift sa kanya ng kapatid niya.


Sa text message ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa Barcelona kahapon, December 8, sinabi nito na ang European tour nila ng kanyang ate ang totoong dahilan ng pagba-backout niya sa Asian Treasures. Mas pinili raw niya ang European trip dahil ito ang first time niyang makapunta sa mga bansa sa Europe.


Pinag-iisipan pa raw ni Cristine ang paglipat sa ABS-CBN dahil nag-e-enjoy pa siya sa biyahe nilang magkapatid. Magdi-depend daw iyon sa magiging desisyon ng Ate Ara niya kapag napag-usapan na nila. Sa ngayon kasi, wala na siyang regular show sa GMA-7 at puro TV guestings lang ang ginagawa niya sa Kapuso Network.

Kasama si Cristine sa unang batch ng StarStruck, ang reality artista search ng GMA-7. Kasama niya rito sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Nadine Samonte, at Katrina Halili na pawang may regular shows ngayon sa Siete.


Kuwento ni Cristine, ang ganda-ganda raw sa Barcelona kahit pa sobrang lamig. Kinagabihan daw ng araw na iyon ang first show nina Ara kasama si Janno Gibbs. Pagkatapos daw ng show sa Barcelona, tutuloy naman sila sa Amsterdam, then Belgium, at ang last stop nila ay sa Paris.


Hindi raw alam ni Cristine kung mag-i-extend pa sila ng stay doon. Pero ang alam daw niya ay babalik na sila ng Pilipinas sa December 17 dahil may taping pa raw si Ara ng Bubble Gang ng December 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN