Angel Locsin happy that Robin and Dennis patched things up


Angel Locsin is very happy that her two leading men, Robin Padilla and Dennis Trillo, have already solved a misunderstanding


Nagpapasalamat ang young actress na si Angel Locsin at natapos na rin ang gulo sa pagitan ng mga leading men niyang sina Dennis Trillo at Robin Padilla. Ito ang ipinahayag niya sa press con ng Mano Po 5: Gua Ai Di last week sa Imperial Palace Suites.

Si Dennis ay ang madalas na nakakapareha ni Angel sa TV at pelikula samantalang si Robin naman ang katambal ng young actress sa Asian Treasures, ang action-adventure series ng GMA-7 na magsisimula sa January 2007.



Hindi matukoy ni Angel kung paano nagsimula ang diumano'y hindi pagkakaunawaan nina Dennis at Robin pero kung matatandaan, minsang nagsalita si Robin sa TV tungkol sa hindi raw pagiging magalang ni Dennis.



Napag-alaman ni Angel na may pagkakataon pala na nagkasabay sina Dennis at Robin sa loob ng dressing room ng SOP nang pareho silang mag-guest dito a few months back. Ayon kay Robin ay ni hindi man lang siya binati ni Dennis nang magkita sila.



"Mahiyain kasi talaga si Dennis. Hindi siya babati unless mauna kang bumati sa kanya. Nahiya raw siyang batiin si Binoe kasi baka raw hindi siya pansinin nito," pagtatanggol ni Angel sa kanyang naging leading man sa Darna at Majika.

Dagdag pa ni Angel: "Pero ngayon mukhang okey na. Napanood ko sa TV na nag-sorry si Dennis at in-accept naman ni Binoe."



Samantala, nakatakdang lumipat si Angel sa bagong bahay niya sa Don Antonio Royal sa January. Kaugnay nito, sinabi ng young actress na welcome na welcome ang isa pang pamilya ng tatay niya sa bagong bahay nila.



Ayon kay Angel, maayos na raw ang lahat sa pagitan ng dalawang pamilya ng tatay niya. Kung noon daw ay may mga misunderstandings sila, ngayon ay magkakasundo na silang lahat.



"Hindi naman kasi maiiwasan iyon. Pero ngayong tapos na lahat ng mga problema namin ay iimbitahan ko sila sa bagong bahay kapag nakalipat na kami," sabi pa ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Isa sa busiest young actresses ngayon si Angel. Bukod sa tine-taping niyang Asian Treasures with Robin, bida rin siya sa 2006 Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment na Mano Po 5 at kung saan reunited siya sa ka-love team niyang si Richard Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN