Sweet and Chokoleit still friends after worst B.O. comment


John "Sweet" Lapus (left) named Chokoleit (right) in DJ Mo's radio show as the celebrity with the "worst B.O." in the business.



Magkasunod na dumating sa Christmas party ng Entertainment Press Society (Enpress) kagabi, December 14, sa Baliwag Grill and Restaurant sa E. Rodriguez Ave. cor. Balete Drive, ang mga gay comedians na sina John "Sweet" Lapus at Chokoleit.



Kasalukuyang nasa stage si Chokoleit nang mamataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagdating ni Sweet. Marami ang nag-isip na magiging tensiyonado ang pagkikita at paghaharap ng dalawa dahil sa ipinahayag ni Sweet last December 13, Wednesday, tungkol sa kanyang kapwa comedian.

Tinanong ni DJ Mo Twister si Sweet sa "Forbidden Questions" portion ng radio program na Good Times kung sino para sa kanya ang celebrity na may worst B.O. (body odor). Ang tugon ni Sweet sa naturang programa, "Chokoleit! Pawis, tsaka hininga niya. May amoy siya talaga. I'm sorry."



Ngunit walang confrontation na nangyari. Instead, sabay pang nagpa-interview ang dalawa sa PEP at ilang TV crew na naroroon.



Ayon sa mga pahayag ni John, madalas daw talaga na nag-iiba ang dating ng sagot ng mga guests sa programa ni DJ Mo kapag ikinukuwento na lang. Mas maigi talaga na mapakinggan mo ito.



"Alam n'yo, yung sinabi kong si Chokoleit ang may worst B.O., biro ko lang yun," pauna ni John. "Kasi kaming dalawa ni Chokoleit, ganyan kami. Kahit kapag nagsho-show kami, ‘yan ang mga batuhan namin ng joke.



"Kaibigan ko si Chokoleit at matagal na kaming nagkakasama kahit sa ibang bansa. In fairness, hindi naman ‘yan mabaho. Ang nangyari kasi, kapag may nagkuwento na lang what really happened in the show, iba ang dating.

"But actually, what I said was, ‘Sige na nga, para matapos na—si Chokoleit!' Kasi nga, alam kong hindi magagalit ‘yan dahil matagal na naming biruan yun," pagbibigay paliwanag ni Sweet tungkol sa masasabing "paninira" niya sa kasamahang komedyante at kaibigan.



Sinang-ayunan naman ni Chokoleit ang mga sinabi ni Sweet. Sabi niya, "After ng guesting ni John, ang daming nag-text sa akin. E hindi ko naman napakinggan. Sinasabi nga nila na ganun daw yung sinabi about me. Sa akin, wala lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kumbaga, naisip ko kaagad na I'm sure way out na yun ni Sweet para may maisagot. Kasi joke talaga namin yun. Sa mga shows namin, kadalasan, ganoon ang batuhan namin ng biro. Sinasagot ko naman siya na mukha lang akong mabaho sa panlabas dahil totoo naman yun. Wala lang talaga, kasi nga, sanay na ako sa mga biruan naming dalawa."

Pareho rin ang naging opinyon ng dalawa na kung sila nga raw na magkaibigan na ay nabibigyan pa rin ng kulay ang isinagot ni Sweet, how much more pa raw kaya kung ibang artista ang binanggit niyang may B.O. talaga?



"Sa totoo lang, oo naman...Meron talagang mabaho sa ibang artista. Siyempre nakakatabi mo, nakakasama mo, so naaamoy mo. Pero hindi si Chokoleit ''yun. At saka, basta, hindi na ako magsasabi ng pangalan kung sinuman sila!" pabakla namang pagtatapos ni Sweet sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN