Jill Yulo: "Maynard Lapid and I are already MU"


Jilly Yulo reveals that she and Maynard Lapid, son of Senator Lito Lapid, are already M.U.


Hindi puwedeng i-deny ni Maynard Lapid na ka-MU (mutual understanding) na niya ang young star na si Jill Yulo—or else, susugurin siya sa bahay ng dalaga.

Turning 17 this December 28 si Jill, an ABS-CBN Star Magic artist of Batch 11, kasabayan ni Pauleen Luna (na ngayon ay nasa GMA-7 na). Now the newest and the youngest endorser of Bioessence, Jill is part of the new ABS-CBN soap Flor de Luna bilang foster sister ni Flor de Luna. Ang foster sister ay isang new character na wala sa original soap that starred Janice de Belen. Ito rin ang character na magiging ka-loveteam ni Alwyn Uytingco, na ex-boyfriend ni Jill sa tunay na buhay.

Inamin ni Jill sa birthday press con ng mga Star Magic December celebrators noong December 15, sa ABS-CBN, na naging sila nga ni Alwyn during their Qpids days, kung saan sila unang naging partners. Ayon kay Jill, nag-split na raw sila since March.

May mutual understanding na sila ngayon ni Maynard, anak ni Senator Lito Lapid, pero hindi pa rin sila officially steady. Nagkakilala sina Jill at Maynard noong nag-guest ang huli sa isa sa mga shows sa ABS-CBN.

Alam ni Jill ang issue kina Maynard and Jackie Rice, the StarStruck III Ultimate Survivor na partner ni Maynard sa 2006 Metro Manila Film Festival entry na Tatlong Baraha. Every time daw lalabas si Maynard para mag-promo, sinasabihan muna nito si Jill kung ano ang mangyayari, and afterwards, kung ano ang nasabi niya.

Hindi nahihiya si Jill na aminin ang pagiging MU nila ni Maynard at hindi siya natatakot na baka ma-deny siya nito. Nabanggit ito dahil sa insidenteng kasangkot ang kapatid ni Maynard na si Mark Lapid, who denied na siya ang nagbigay ng two-carat solitaire diamond ring kay Tanya Garcia (Mark's rumored girlfriend).

Sabi ni Jill, kapag siya raw ang idinenay ni Maynard, susugurin niya ito sa bahay niya sa Porac, Pampanga, dahil alam niya raw ang address nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinakilala na raw ni Maynard si Jill sa kanyang parents.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN