Two showbiz writers fire back at John Lapus


John Lapus (pictured) is now under attack by two of the entertainment writers he mentioned in his interview in DJ Mo Twister's radio show.


Gay comedian and TV host John "Sweet" Lapus is now battling two fronts in the entertainment press—Jobert Sucaldito and Ambet Nabus.

Last Wednesday, December 13, nag-guest si Sweet sa controversial radio show ni DJ Mo Twister na Good Times. In the "Forbidden Questions" segment of the radio program ay nabanggit ni Sweet ang mga pangalan nina Jobert at Ambet.

Hindi yata napakinggan ni Sweet ang interview nina Rachel Alejandro and Geneva Cruz, who both tapped out sa question na sinong entertainment press ang pinakaayaw nila. Ang mga katagang binitawan nina Rachel and Geneva a week before John's guesting ay "it's not worth it" at "it's career suicide" dahil nga raw kapag kinalaban ang isa, parang kinalabanan na rin nila ang lahat.

Sa interview ni Sweet, "Jobert" ang isinagot niya sa katanungang "who should be out of the The Buzz?" at Ambet naman ang pinangalanan niyang "worst showbiz reporter."

Patungkol sa pagbanggit ni Sweet sa pangalan ni Ambet, nagsimula raw ito noong na-blind item si Sweet sa kolum ni Ambet. Tinukoy dito ang isang gay comedian na nanghihingi raw ng sariling press con for a play kahit hindi siya ang bida rito.

Kasali si Sweet sa Prinsesa: Hiwaga Ng Kalikasan, a stage play produced by Clue Productions na naipalabas sa Aliw Theater from December 14 to 17. Sa naturang musical play, si Kyla ang tumatayong bida at nagmamay-ari ng role ni Prinsesa. Si Sweet naman dapat ang ka-alternate ni Ate Gay sa papel na Smokey. Si Ambet ang PR man ng nasabing musical play.

Dahil rito, hindi na raw magpa-participate si Sweet sa play. At noong nagsimula nga itong magpalabas noong December 14, si Ate Gay ang sumalo sa dapat na papel ni Sweet.

Samantala, nagulat naman si Jobert na siya ang sinagot ni Sweet dahil ang pagkakaalam nga ng lahat, it was Sweet and Kris Aquino na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kung kaya't natanggal si Sweet sa nasabing showbiz talk show ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Both Ambet and Jobert gave their exclusive answers to PEP (Philippine Entertainment Portal) regarding the issue.

Say ni Ambet, "Nakakatawa, i-identify talaga ang sarili sa blind item? Dapat pala pinangalanan ko siya para promo talaga ng Prinsesa. Bakit hindi kaya isipin ni John na may katrabaho o nakatrabaho siya na sadyang hindi type ang sistema at istilo niya?"

Dagdag pa ni Ambet: "Huwag naman niyang masyadong pataasin ang sarili niya! Sa dami rin ng hindi siya type makatrabaho, saan pa siya lulugar sa showbiz kung patuloy siyang magiging negative? Wala namang mawawala sa akin kung hindi niya ako type as showbiz reporter. Pero sa kanya, parang maraming mawawala, credibility included.

"Siya bilang performer at ako bilang PR ng show na kasali lang siya, sino ang mas may higit na kailangan kanino? Mag-isip-isip siya."

Say naman ni Jobert, "I never claimed to be a star sa The Buzz. John Lapus is right na tatayo ang The Buzz without me. There's no argument there. I am more of a staff member ng The Buzz than a host.

"I am very thankful sa bosses namin sa The Buzz for giving me a chance to do on-cam and despite the limited chance na naiibigay sa amin, we work so hard to do good [on] our job. It's a team work and we're proud of it.

"Ang ayoko lang kay John Lapus, mabait siya kapag kaharap mo pero traidor kapag nakatalikod ka na. Ubod ng yabang, sobrang bilib sa sarili. Pathetic, ‘di ba?

"Honestly, I never liked him as a performer—the corniest ever at puwede kong sabihin ito nang direkta sa mukha niya. Ayoko talaga ng taong ‘feeling,' as if he is God's gift to mankind.

"And please, tell him to have balls! Gagawa-gawa siya ng katarantaduhan, ngayon ay nagti-text siya para manghingi ng dispensa. Panindigan niya ang sinabi niya. Masakit lang sa akin ito dahil itinuring ko siyang kaibigan pero wala pala siyang kuwentang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Just to let him realize na kahit ganito lang ako, I know in my heart na mabuti akong tao, mabuti akong anak ng mga magulang ko, mabuti akong kaibigan, mabuti akong magulang sa mga anak ko, at may takot ako sa Diyos. Is he too?

"I work so hard for my loved ones kaya wala siyang karapatang lapastanganin ako and I will never give him the chance na gamitin ako!"

Sa kasalukuyan ay sinusubukan pang kunin ng PEP ang side ni Sweet about Ambet and Jobert's reactions.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN