Jennylyn Mercado's Christmas wish list


One of the Christmas wishes of Jennylyn Mercado:"peace of mind."



During the press con of the 2006 Metro Manila Film Festival entry Super Noypi last December 15 at the Imperial Palace Suites, PEP (Philippine Entertainment Portal) asked young actress Jennylyn Mercado to play Santa Claus.

Tinanong namin si Jennylyn kung anong gifts ang ibibigay niya this Christmas sa mga sumusunod na tao, at ito ang naging sagot niya:

Patrcik Garcia—"Feeling ko nasa kanya nang lahat. Pero mahilig siya sa sports, sa archery. Siguro bow and arrow na lang."

Mark Herras—"Ang friendship ko. Lagi ko namang sinasabi sa kanya na narito lang ako para sa kanya. Matagal na ang pinagsamahan namin ni Mark at marami na rin akong natutunan sa kanya."

Jeremy Marquez—"Dapat makuntento na siya sa kung ano ang meron siya."

Alessandra de Rossi—"Alam kong she's a nice person. Para sa kanya, dahil fashionista siya, bibigyan ko siya ng dress na ako ang nag-design."

Ryza Cenon—"Siya na lang ang magbigay sa akin. Bigyan niya ako ng respeto para irespeto ko rin siya."

Mother Lily Monteverde—"Maging successful itong Super Noypi."

To herself—"Peace of mind. Gusto ko ring matupad ang dream ko na makapagpatayo ng acoustic bar. Since marami na nito sa Tomas Morato at sa Timog area, siguro sa malapit sa amin sa Commonwealth. At para sa Mama at Papa ko, good health pa rin kasi nagiging masasaktin sila lately."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN