Jill Yulo very apologetic to Kris Aquino


Jill Yulo says she's very sorry that she made Kris Aquino wait for almost three hours



Very apologetic ang young star na si Jill Yulo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday presscon last December 15 ng mga Star Magic talents na ipinangangak ng December.

Aware siya sa malaking pagkakamali na nagawa niya nang maging guest siya sa game show ni Kris Aquino na Pilipinas, Game Ka Na Ba? ng ABS-CBN.

Ayon sa balita'y super late ang young star at more than three hours nitong pinaghintay ang four-months pregnant na si Kris, at pati na ang kapwa niya celebrity contestants na kinabibilangan nina Vina Morales, Eula Valdez at Albert Martinez. Ang mga ito ay co-stars din niya sa Flor de luna, ang soap na ire-revive ng ABS-CBN.



"Na-late ako kasi iniligaw ako nung taxi [na sinakyan ko]. A few days before the Game Ka Na Ba? taping ay nabunggo ang car namin so I have no choice kundi mag-taxi. Hindi ko talaga sinasadya na paghintayin silang lahat, especially Kris," paliwanag ni Jill.



"Totoo na na-late talaga ako, pero hindi naman more than three hours, mga two-and-a-half hours lang. Talagang hihingi ako ng sorry kay Kris. Siyempre, sino ba naman ako para paghintayin si Kris?"



So hindi pa pala siya nakakapag-sorry kay Kris?



"Hindi pa, kasi sabi ng producer ay huwag ko muna siyang kausapin dahil mainit pa raw ang ulo niya," sagot ni Jill.



Totoo bang sa inis sa kanya ni Kris ay inisnab siya nito sa taping ng game show niya?



"Ang alam ko, tumingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung napansin niya ako o hindi. Kung napansin niya ako, naiintindihan ko kung iisnabin niya ako dahil pinaghintay ko siya nang matagal. Lahat gagawin ko patawarin lang niya ako. Kahit saan magso-sorry ako sa kanya," dagdag ng young actress.



"Sobrang willing akong mag-sorry kay Kris. Sorry, sorry, sorry talaga, Kris, and I mean it," pagtatapos ng dalaga, who will be celebrating her birthday on December 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN