Sandara Park denies breaking up with Joseph Bitangcol


"Hindi, walang nagbago sa amin," says Sandara Park about her relationship with boyfriend Joseph Bitangcol



Gulat na gulat si Sandara Park sa balitang nagkahiwalay na sila ng boyfriend niyang si Joseph Bitangcol.



Sa final presscon ng Super Noypi last Saturday, December 16, sa Imperial Palace Suites ay kitang-kita ang pagkamangha sa mukha ng Koreana nang tanungin siya about her "break-up" with Joseph.



"Ha? E bakit hindi ko yata nabasa 'yon?" bungad ng aktres sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi, walang nagbago sa amin. Andiyan nga siya sa baba, sa basement parking at naghihintay sa akin. Nanggaling nga kami sa rehearsal namin sa ABS-CBN."



Natsitsismis din si Sandara sa co-star niya sa Super Noypi na si Mark Herras, pero itinanggi niyang niligawan siya nito.



"Nanghihingi lang siya sa akin ng noodles kapag nagugutom [siya]. Hindi niya ako niligawan," paliwanag ng prankang star na runner-up sa kauna-unahang Star Circle Quest ng ABS-CBN.



Nasulat kamakailan lang na type kuning escort ni Mayo Suzuki, isang Japanese-Filipina aspiring singer, si Joseph sa kanyang debut. Si Mayo ang nali-link ngayon sa boyfriend ni Sandy (palayaw ni Sandara). Ang balita pa nga'y ito ang dahilan ng kanilang break-up. Selos na selos daw kasi si Sandy kay Mayo.



We asked Sandara kung papayagan niyang maging escort si Joseph sa debut ni Mayo next year. It took a while bago nakasagot ang bagets, parang pinag-isipan niyang mabuti ang isasagot.



"Bakit, kailangan ba ang escort sa debut? Kung gusto ni Joseph, bahala siya," maikli pero malaman na sagot ng nakakatuwang star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN