Cass Ponti dismisses affection of a young actor


"Natutuwa ako sa batang 'yan kasi napaka-vocal niya sa nararamdaman niya sa akin," says Cass Ponti on Mhyco Aquino



Ikinatutuwa ng sexy star na si Cass Ponti na may crush sa kanya ang young member ng grupong Anime na si Mhyco Aquino, na co-star din niya sa "LRT 2" episode ng Shake, Rattle & Roll 8 ng Regal Multi Media.



Very vocal daw si Mhyco, 17, na si Cass, 24, ang type niyang girl dahil bukod sa morena raw ito ay napaka-sexy pa.



Flattered man si Cass, pero wala raw siyang balak magpa-cute kay Mhyco. Unang-una, napakabata raw nito para sa kanya. Pangalawa, wala raw siyang plano na maging yaya ng naturang bagets.

Ito ang ipinahayag ng ex-Pinoy Big Brother housemate sa press con ng Shake, Rattle & Roll 8, last December 11, sa Imperial Palace Suites.



"Siguro kung kasing-edad ko lang si Mhyco, okey lang. Magpapa-cute talaga ako sa kanya. Kaso hindi puwede e, masyadong bata... Baka naman akusahan na ako ng cradle-snatching!" natatawang sabi ni Cass.



"Pero natutuwa ako sa batang ‘yan kasi napaka-vocal niya sa nararamdaman niya sa akin. Gusto ko ang guts niya to say that sa mga kakilala namin. Pero talagang hanggang crush lang siya sa akin. Nakakahiya namang magpaligaw ako, ‘di ba?" dagdag niyang sabi.



Paano nga kung ligawan siya ni Mhyco?



"Ako na mismo ang magsasabing tumigil siya dahil hindi kami bagay," sagot ni Cass. "Manligaw na lang siguro siya ng girl na kasing-edad niya. ‘Tulad nga ng sabi ko, wala akong plano na maging babysitter niya. Tsaka hindi magwu-work. Infatuated lang siguro ang bagets sa beauty ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN