Rustom Padilla denies joining gay beauty pageant


"Hindi talaga totoo 'yun," said Rustom Padilla about an old issue that he joined a gay beauty contest.


Gown ang suot ni Rustom Padilla sa premiere night ng Zsazsa Zaturnnah Zee Moveeh na ginanap sa Cinema 10 ng SM Megamall noong Miyerkules, December 19.



Marami ang nagulat sa daring act ni Rustom, na naglantad ang tunay na pagkatao sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition early this year. Dahil sa pagpayag ni Rustom na magsuot ng gown sa premiere night ng Zsazsa Zaturnnah, muling naungkat ang kontrobersiya noong nag-uumpisa pa lamang siya sa pag-aartista.



Ilang beses na pinabulaanan ni Rustom ang tsismis na sumali ito sa isang gay contest, pati na ang isyu na may litrato na nakasuot-babae siya. Fortunately for Rustom, hindi na-publish ang larawan kahit may mga nagsabi na totoo at hindi kathang-isip ang kuwento.



Naalaala ng entertainment media ang urban legend tungkol kay Rustom dahil sa pagpayag niya na magbihis-babae sa red carpet premiere ng Zsazsa Zaturnnah.



Gusto na nilang maniwala na may katotohanan noon ang hindi mamatay-matay na balita na sumali si Rustom sa isang gay contest noong nag-aaral pa lang daw siya sa Baguio City at may litrato siya na nakadamit-pambabae.

Sa taping ng The Buzz kanina, December 23—na ipalalabas bukas, December 24—ay sinagot ni Rustom ang matagal nang isyung ito.

"Hindi, hindi talaga totoo ‘yon," mariing tanggi ni Rustom. "Pero kung college ako ngayon at nag-open na ako sa aking kabaklaan ay tiyak magdyu-join ako sa gay beauty contest. It's an experience, ‘di ba?"

Additional report from Alex Datu


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN