Angel and Oyoboy to take a post-Christmas vacation


Angel Locsin and boyfriend Oyoboy Sotto take advantage of their Christmas vacation by flying off to Bantayan Island.


Tuloy ang three-day post-Christmas vacation ng magkasintahang Angel Locsin at Oyoboy Sotto. Nakahingi ng bakasyon ang dalawa sa kabila ng hectic schedule nila. Pupunta sila sa Bantayan Island sa Cebu sa December 26.

Ito ang pahayag ni Oyo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night ng Enteng Kabisote 3: Okay Ka Fairy Ko, The Legend Goes On and On and On sa SM Megamall Cinema 10 last Thursday, December 21.

Muntik nang hindi matuloy ang kanilang bakasyon dahil pagkatapos ng shooting ni Angel ng Mano Po 5: Gua Ai Di (I Love You), sunud-sunod na rin ang taping ng young actress ng Asian Treasures dahil on location ito. Malapit na rin kasi ang pilot telelecast ng adventure/love story nila ni Robin Padilla sa GMA-7, na siyang papalit sa Captain Barbell sa January 15.

Nagsimula na rin mag-shooting si Angel with Richard Gutierrez ng The Promise, na Valentine presentation naman ng GMA Films at Regal Entertainment next year.

Si Oyo naman, after ng shooting ng Enteng Kabisote 3, nagsimula na ring mag-taping ng afternoon drama series ng TAPE, Inc. sa GMA-7, ang Makita Ka Lang Muli, na napapanood daily. Gagampanan ni Oyo ang papel ng bagong love interest ni LJ Reyes.

Hindi naman puwedeng mas maagang umalis ng bansa sina Angel at Oyo dahil kailangan silang mag-join sa Parade of Stars ng 2006 Metro Manila Film Festival Philippines (MMFF) bukas, December 24. Pereho kasing entries sa MMFF ang mga pelikula nila—Enteng Kabisote 3 for Oyo and Mano Po 5 for Angel.

Magsi-celebrate din sila ng Christmas with their respective families, lalo si Angel na gustong makasama ang kanyang Daddy on Christmas day.

"Aalis kami ni Angel ng December 26," pahayag ni Oyo. "Kahit ilang araw lang para makapahinga sa sunud-sunod na trabaho... Bagong environment naman ang gusto namin kaya sa Bantayan Island kami pupunta. Matagal na naming plano ‘yon at akala nga namin, hindi matutupad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero babalik din kami morning ng December 29. From the airport, tutuloy na kami sa Loyola Memorial Park sa Parañaque City dahil third death anniversary ng cousin kong si Miko Sotto—na alam naman nating naging boyfriend ni Angel noon. Sa gabi, a-attend naman kami ng awards night ng MMFFP 2006 sa Aliw Theater," dagdag pa ni Oyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN