Former actress Lara Melissa de Leon diagnosed with breast cancer



Malungkot ang pamilya at mga kaibigan na nagmamahal kay Lara Melissa de Leon dahil natuklasan ng mga doktor na breast cancer ang kanyang karamdaman.



Nasa Stage 2 na ang breast cancer ng kapatid nina Christopher at Pinky de Leon at nalaman niya ang kanyang kalagayan nitong nakaraang linggo lamang.

Ito ang usap-usapan sa birthday party ni Lorna Tolentino kagabi. Mismong si Rudy raw ang nakakita kay Lara sa ospital.


Umaasa ang mga nagmamahal kay Lara na magagamot ang kanyang sakit sa tulong na rin ng dasal.



Si Lara ang pangalawa sa miyembro ng de Leon family na may breast cancer. Naunang tinamaan ng naturang sakit ang kanyang kapatid na si Toni Abad.


Naging open si Toni tungkol sa pagkakaroon niya ng breast cancer at na-publish pa nga sa isang magazine ang kanyang pakikipaglaban sa naturang sakit.



Artista, TV host, at singer noon si Lara. Nag-lie low siya sa showbiz nang magpakasal sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Sina Lara, Christopher, at Pinky ay mga anak ng dating LVN stars na sina Gil de Leon at Lilia Dizon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN