President Arroyo grants P1 million incentive to each MMFF producer


President Gloria Macapagal Arroyo responds to the letter of request of participating producers in the 2006 MMFF for subsidy or assistance.


Good news sa mga producers ng mga kalahok na pelikula sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival (MMFF). Tinugon ni President Gloria Macapagal Arroyo ang isang letter of request na ipinadala sa kanya ng mga participating producers noong December 15.

Ang letter of request ay nilagdaan nina Orly Ilacad ng OctoArts Films/Canary Films, Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Malou Santos ng Star Cinema, Violeta Sevilla ng Violett Films, at Cesar Montano ng CM Productions. Nakasaad sa liham ang paghingi nila ng kahit na anong subsidy or assistance na makatutulong para makapagpatuloy sila sa paggawa ng mga quality pictures na tulad ng mga kalahok ngayon sa taunang film festival.

Tulad noong nakaraang taon, muling magbibigay ng isang milyong piso si President Arroyo sa bawat participating producer. Posibleng ipagkaloob niya ang incentive sa darating na Gabi ng Parangal ng MMFF sa December 29 sa Aliw Theater.

Samantala, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toto Natividad, direktor ng Tatlong Baraha ng Violett Films, bago nagsimula ang Parade of Stars noong Sunday, December 24, sa may Eliptical Road sa Quezon Memorial Circle. Tinanong namin ang direktor kung bakit sila lamang ang hindi nag-submit ng entry nila sa Cinema Evaluation Board (CEB) para mabigyan ng rating.

Ayon kay Direk Toto, nagdesisyon daw silang hindi mag-submit ng copy ng movie nila sa CEB for rating dahil suspended naman daw ang tax rebate during the festival at hindi na rin ito magagamit kung saka-sakali.

Hindi yata aware si Direk Toto na kahit suspended ang tax rebate during the festival, magagamit ang 100% tax rebate for movies graded A, at 60% naman for movies na graded B, kung ang mga nasabing pelikula ay extended ang showing after the festival.

Tatlong movies sa MMFF this year ang nabigyan ng grade A ng CEB—Ligalig, Kasal, Kasali, Kasalo, at Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh. Dalawa naman ang nabigyan ng grade B: Super Noypi at Shake, Rattle & Roll 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Apat na entries ang hindi nabigyan ng grade ng CEB—Enteng Kabisote 3, Matakot Ka Sa Karma, Mano Po 5: Gua Ai Di (I Love You), at Tatlong Baraha.

Sa siyam na kalahok sa MMFF ngayong taon ay tigda-dalawa ang idinirek nina Joel Lamangan at Joey Reyes. Si Joel ang nagdirek ng Zsa Zsa Zaturnnah at Mano Po 5, samantalang si Joey naman ang nagdirek ng Kasal, Kasali, Kasalo at Matakot Ka Sa Karma.

Last year ay nagkaroon ng kontrobersiya sa Gabi ng Parangal ng MMFF. Bagama't ang Blue Moon ni Direk Joel ang nagwaging best picture, si Direk Joey naman ang itinanghal na best director para sa Kutob.

Ngayong taon ay sina Joel at Joey na naman ang mahigpit na magkalaban lalo pa't parehong graded A ng CEB ang kani-kanilang pelikula. Tiyak na marami ang mag-aabang sa Gabi ng Parangal kung sino sa dalawang director ang magwawagi o kung maaagaw ni Cesar Montano ang award for best director para sa Ligalig.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN