Kissing scene of Alfred and Rustom cut from "ZsaZsa Zaturnnah"


Rustom Padilla (left) and Alfred Vargas had a kissing scene in "ZsaZsa Zaturnnah" but it was cut to get a General Patronage classification.



Nanghihinayang si Alfred Vargas dahil inalis ang kissing scene nila ni Rustom Padilla sa pelikulang ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh, isa sa official entries sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival.

Ito ang ipinahayag ni Alfred sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa taping ng Magpakailanman noong Biyernes ng gabi, December 22, sa Marcos Compound, Tandang Sora, Quezon City.

"Nanghihinayang nga ako dahil na-cut yung kissing scene namin ni Rustom. Kinunan kasi ito ng maraming anggulo at napakagandang lumabas. Siguro mga apat na anggulo ‘yon, pero puro take one lang," sabi ng lalaking pinagnanasahan ni ZsaZsa Zaturnnah.

"Pero sa kabilang banda, okay na rin kahit naputol dahil mas maraming puwedeng makapanood nito dahil naging General Patronage pa, from PG 13," siya na rin ang nagsabi.

"Hindi naman sila nahirapang kumbinsihin ako nang ipagawa ang kissing scene with Rustom, kasi alam kong kailangan ‘yon sa pelikula," sagot ng sexy actor nang itanong namin kung nagdalawang-isip ba siya nang ipagawa ang naturang halikan.

"Pareho naman kaming actor ni Rustom at pinag-usapan muna namin kung paano ang magiging atake namin dito," dagdag pa niya.

Very proud naman siya sa napakagandang response ng mga nakapanood na ng ZsaZsa Zaturnnah, bukod pa sa nakuhang A-rating nito mula sa Cinema Evaluation Board (CEB).

"Nakakatuwa nga, kasi hindi namin inaasahan na magiging Rated A ang pelikula. Parang nawala lahat ang pagod namin dahil Rated A ito," ani Alfred.

Pagkatapos ng ZsaZsa Zaturnnah, inaasahan ni Alfred na maipalalabas na rin ang digital film na Faces of Love ni Eddie Romero. Isa ito sa apat na pelikulang nagawa ni Alfred ngayong taon, kasama ang I Wanna Be Happy, Gigil, at ZsaZsa Zaturnnah.

Naging very visible din siya sa GMA-7 shows, gaya ng Encantadia, Etheria, I Luv New York, Ang Pagbabago, at ang ipalalabas pa lang na Muli.

Masaya si Alfred, na nasa stable ng talents ni Lolit Solis, sa naging takbo ng kanyang career ngayong 2006 at umaasa siyang sa pagpasok ng taong 2007 ay magiging equally fruitful ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa kanyang love life, hindi na kailangan pang itanong kung gaano niya kamahal ang kanyang girlfriend na si LJ Reyes. Katunayan, dahil sa Amerika nag-Pasko ang young actress, hindi matiis ni Alfred na magkahiwalay sila kaya sinundan niya roon ang kasintahan.

Sa mga nagtatanong kung pinakilala na ni LJ si Alfred sa pamilya nito, ang sagot ay oo. June of this year pa nakilala ni Alfred ang ina ni LJ, kaya ngayong Pasko'y pangalawang pagkakataon na nitong makakaharap ang ina ng girlfriend. Nagpahayag nga ng excitement si LJ nang ihayag ni Alfred na susundan niya ang dalaga sa Amerika para magkasamang i-celebrate ang Kapaskuhan.

Samantala, inihayag naman ni Alfred na hindi niya masyadong na-feel ang Christmas dahil simula nang dumating siya mula sa Malaysia, sunod-sunod na trabaho ang ginawa nito. Pero okey lang naman ito, ayon kay Alfred, para mapag-ipunan na niya ang pambili ng kanyang dream house—bagama't may nabili na siyang town house worth P3.1 million.

Nagtungo siya sa Malaysia para sa isang soap opera, ang Muli, na co-prod ng GMA-7 at isang company sa Malaysia. Isang OFW ang gagampanan ni Alfred rito na iniwan ang pamilya sa ‘Pinas para magtrabaho sa Malaysia. Doon ay makikilala niya ang isang Malaysian na magiging kaibigan niya. Bale isang beauty queen ang naturang Malaysian, si Carrie Lee. Makakasama rin nila rito si Marian Rivera.

Sixty percent ng Muli ay kinunan sa Malaysia at 40 percent naman ay dito sa ating bansa, kaya isang buwan nanatili sa Malaysia si Alfred. Pagkatapos ng Christmas vacation, back to work na siya dahil early next year ay ipalalabas na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN