Watch Now

Jackie Rice: Bad girl no more?

by Ruel J. Mendoza
Jan 3, 2007
Jackie Rice welcomes the New Year with a new afternoon drama series from her mother studio.


Inamin ng StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie Rice na marami siyang pinagsisisihan noong nakaraang taon at sana ngayong 2007 ay mabago na raw ang mga mali sa kanya.



Nabansagan ngang pasaway si Jackie dahil sa pagiging "unprofessional" nito sa trabaho. Nagkaroon din ito ng hindi magandang bisyo kaya lahat ng mga dapat na naging trabaho niya ay tinanggal sa kanya bilang parusa.

Matatandaang sinuspindi sina Jackie at Iwa Moto, StarStruck 3 runner-up, ng GMA-7 management ng anim na linggo. Ang dahilan ng kanilang suspension ay ang pagiging unprofessional at masamang bisyo nila, gaya ng pag-inom at paninigarilyo in public.



Bunsod ng suspension kay Jackie ay tinanggal siya sa mga kinabibilangan niyang programa gaya ng Fantastikids. Ilang buwan ding walang regular show si Jackie, pero nagsisisi na raw siya sa pagiging pasaway niya. Nangako siyang hindi na raw niya ito uulitin dahil naramdaman niya ang hirap ng walang inaasahang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Marami talagang nawala sa akin kaya natuto na ako," sabi ni Jackie sa backstage ng SOP, during its live presentation sa Rajah Sulayman Park sa Roxas Blvd., Manila, last December 31.

"Hindi ko naman sinasadyang maging pasaway. Siguro nga masyado lang akong na-overwhelm sa mga nangyari sa akin last year. Nawalan ako ng control, kaya this year babaguhin ko na lahat. Hindi na ako magiging pasaway. Promise ko ‘yan," patuloy niya.



Mukhang maganda nga ang pasok ng Year of the Pig kay Jackie. After makasama siya sa 2006 Metro Manila Film Festival entry na Tatlong Baraha, kung saan partner siya ni Maynard Lapid, kasama naman siya ngayon sa cast ng bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Princess Charming. Marami ang umaasa na magiging professional na si Jackie para hindi na siya mawala sa show.



Samantala, nilinaw rin ni Jackie ang balitang mas binibigyan niya ng priority ang relasyon nila ng napapabalitang boyfriend niyang si Biboy Ramirez. Ayon sa young actress, nanliligaw pa lang daw si Biboy sa kanya at hindi pa raw niya ito boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Opo, nanliligaw pa lang si Biboy," diin niya. "Pero mas bibigyan ko ng priority talaga ang trabaho. Si Biboy naman ay very understanding. Alam niyang kailangan kong mag-work para makabawi."

Read Next
Read More Stories About
Jackie Rice, Biboy Ramirez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jackie Rice welcomes the New Year with a new afternoon drama series from her mother studio.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results