PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gio Alvarez takes another crack at showbiz

The former AngTV star plays a nerd in Asian Treasures
by Maricris Valdez-Nicasio
Published Jan 8, 2007
Gio Alvarez joins the big cast of GMA-7's newest offering, Asian Treasures


Kumportable ang nagbabalik-showbiz na si Gio Alvarez sa pagganap ng bading sa TV man o telebisyon. Tiwala kasi siya sa kanyang gender o pagkalalaki kaya hindi nag-aalalang mapagdudahan kahit pa gumanap siyang na bading.

Ito ang nasabi ni Gio sa Philippine Entertainment Portal (PEP) sa taping ng Magpakailanman last Friday, January 5, sa Tanay, Rizal. Isang bading ang gagampanan ni Gio sa episode na Kamaong Bulaklak na pagbibidahan ni Patrick Garcia at ipalalabas sa Huwebes, January11.

Ang istorya'y tungkol sa isang klosetang bading na naging martial arts champion. Ayon kay Gio, gagampanan niya ang katauhan ni Danny, isang kaibigan ni Noel Sumingaw (Patrick).

"Okey lang sa akin ang gumanap na bading. I guess, feeling ko, walang gustong gumanap na bading o gustong sumalo ng ganitong klaseng papel. Kaya ako, narito lang. Kapag ibinibigay sa akin, tinatanggap ko naman," ani Gio habang naninigarilyo dahil sa sobrang lamig sa naturang lugar.

"Sa akin kasi, challenge ang ganitong klaseng papel. Anything na opposite ko is a challenge. Siyempre, hindi ako bading kaya kapag ginampanan ko ang ganitong klase ng role, nandoon yung challenge na mabigyan ko ng justice ang papel na ito," paliwanag pa ng aktor na aktibo rin sa kanyang sariling banda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, "Although madalas akong gumanap na bading, iba-ibang level naman ng pagkabading ang ipinakikita ko. Depende sa hinihingi ng script. Ini-internalize ko lang mabuti at saka ipinapasok ko ang sarili ko."

Nang nagbalik-tanaw ang dating AngTV original cast member, sabi nito, "Siguro ang pinaka-challenging na nagawa ko as an actor is yung gumanap akong batang Michael de Mesa sa Hihintayin Kita Sa Langit [1991] nina Richard Gomez and Dawn Zulueta. Masyado pa kasi akong bata noon to take the responsibility of an actor. Imagine, 14 or 15 pa lang ako that time."

Sa kabilang banda, malaki ang pasasalamat ni Gio dahil unti-unti nang nagbubunga ang kanyang paghihintay at pagtitiyaga para muling mapansin at makabalik sa showbiz. Simula kasi nang umalis siya sa ABS-CBN at hindi na nakasama sa show ni Mang Dolphy, tila naging mailap na ang proyekto sa kanya.

Taong 1998 pa ang huling regular show niya sa Dos, ang Home Along Da Riles, and afterwards ay pasulpot-sulpot na lang siya sa Home Along Da Airport.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Then after that, ilang years din akong naghintay. Year 2005 nang napasama naman ako sa It Might Be You nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Pagkatapos noon, talagang wala nang sumunod. Doon ko naisip na lumipat na ng TV network," pahayag pa ng actor.

Naging maganda naman ang paglipat ni Gio sa bakuran ng GMA-7 dahil napasama agad siya sa Kung Mamahalin Mo Lang Ako, isang afternoon drama series ng GMA-7. Nagkaroon din siya ng guestings sa iba't ibang shows ng Kapuso Network. Ngayon nga ay kasama siya sa itinuturing na napakalaking programang Asian Treasures, na pinagbibidahan naman nina Robin Padilla at Angel Locsin.

"Malaki talaga ang pasalamat ko sa manager ko, si Tita Nene [Riego] dahil matiyaga siyang kumuha ng project ko. Sa GMA-7 siyempre, dahil nagtiwala sila sa akin, lalo na rito sa Asian Treasures. Maganda ang role ko rito. Bale lagi kong kaeksena si Gabriella [Angel] dahil isa akong graphic artist and isa namang field reporter dito si Angel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited pang pagbabalita ng aktor, "Nerd ako rito na may gusto kay Angel, kaya lang no-pansin ako sa kanya. Challenging din ang pagiging nerd ko rito dahil tulad nga ng sabi ko, it's very, very far from my personality, kaya talagang kakaiba."

Tuwang-tuwa nga si Gio dahil sa pagpasok ng taong 2007, isang malaking proyekto kaagad ang naumpisahan niya.

"Sana lang, magtuloy-tuloy na ito. At sana hindi ako pagsawaan ng tao," nakatawang pahayag pa niya.

Read Next
Read More Stories About
Gio Alvarez, Asian Treasures
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gio Alvarez joins the big cast of GMA-7's newest offering, Asian Treasures
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results