PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amy Perez has finally found new love

Amy admits relationship with DZMM field reporter Carlo Castillo
by Alex Datu
Published Jan 8, 2007
Amy Perez has found another man to love again—Carlo Castillo, a DZMM field reporter.


May nagbibigay ngayon ng mala-rosas na kapaligiran sa buhay ng actress-TV host na si Amy Perez. Ito ay walang iba kundi ang DZMM field reporter na si Carlo Castillo. Si Carlo ay may pagka-Bombay ang facial features at may hawig kina Richard Gomez at Jestoni Alarcon.



Sa isang radio interview noong Sabado, January 6, ikinuwento ni Amy na nagkrus ang landas nilang dalawa ni Carlo nang pumunta minsan sa DZMM ang aktres para magpadala ng kanyang donasyon para sa mga biktima ng kalamidad.

Doon daw mismo kinuha ni Carlo ang cellphone number ni Amy, pero natagalan din bago sila nagkaroon ng komunikasyon hanggang sa magkaroon ng kanyang sariling programa sa nasabing radio station ang actress-TV host.

"Nung una kaming nagkakilala, palagi kaming kontra-pelo. Basta lagi kaming hindi magkasundo, in short. Tuwing nagkikita kami, hindi namin alam kung bakit kami naiinis sa isa't isa. ‘Yun pala, mayroong ibig sabihin beyond that," panimulang kuwento ni Amy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Actually, nagsusubukan lang pala kami. Pupunta ako rito [sa DZMM], nagpapakita ako sa kanya. ‘Pag nakauwi na ako, tini-text niya ako kung nasaan na daw ako. Sabi ko naman, nasa bahay na ako. Minsan naman, nandito ako, ‘tapos after nung program niya, dire-diretso siya umuuwi, tini-text ko din siya."



Noong November 12, 2006 daw sila naging officially mag-on. Pero hindi raw matandaan ni Amy kung kailan unang nagkaharap sina Carlo at Addy—ang nine years old na anak ng aktres sa dating South Border vocalist na si Brix Ferraris.

"Maganda naman 'yong pagtanggap ng bata," sabi ni Amy tungkol kina Carlo at Addy.



Sobrang na-appreciate daw ni Amy ang mga bagay na nagawa ni Carlo sa kanyang anak.

"Sa akin kasi, lahat ng mga bagay na ginagawa ni Carlo para sa akin, at sa anak lalo na, talagang na-appreciate ko 'yon. Sobra kong bina-value 'yon. Bukod sa pagkabolero n'ya—pero hindi naman playboy dahil marami lang ang nagkakagusto sa kanya talaga—ay malalim na tao si Carlo at responsable."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Ayon naman kay Carlo, "Totoong tao si Amy. Mabait. Kumbaga, malayo doon sa mga artistang nakilala mo, malayo siya doon. Isa sa mga katangian ni Amy na gusto ko ay 'yong tatanungin mo siya, ‘tapos sasagutin ka niya nang patanong din."



Inamin ni Amy na sabik nang magka-tatay ang kanyang anak. Wala rin daw siyang mairereklamo kay Carlo dahil sobrang-sobra ang ibinibigay nito kay Addy to the point na bahagi na siya ng buhay ng bata. As in hinahanap-hanap na ni Addy ang kanyang "Daddy Carlo."



Kung inamin ng aktres na puwede nitong ibigay ang lahat alang-alang sa kanyang bagong pag-ibig, ganoon din daw si Carlo. "Sobra" pa nga, sabi niya.

"Handang-handa akong ibigay ang lahat-lahat din," pahabol pa ni Carlo.



Aniya pa, "Actually, doon ako natatakot noong unang naging kami. Alam naman natin, siyempre, showbiz siya na kahit pagbalik-baliktarin natin ang buong mundo, siyempre Amy Perez 'yan. Pero habang tumatagal ay napatunayan ko naman na okay naman, totoo naman. Sobrang sarap siyang magmahal at hindi puwedeng i-describe e."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



Sabi pa ni Carlo, "Ever since na naging kami, nakikita namin ang development at improvement sa bawa't isa at hindi kami naghahatakan pababa. Kumbaga, nagiging productive kami sa bawa't isa."

Read Next
Read More Stories About
Amy Perez, Carlo Castillo
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amy Perez has found another man to love again—Carlo Castillo, a DZMM field reporter.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results