PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gladys Guevarra picks "Magic Kamison" over "Eat Bulaga"

The comedienne-singer picks a less demanding show in order to have more time for herself.
by Wells Avante
Published Jan 12, 2007
Ayon kay Gladys, hindi pagbubuntis at lalong hindi si Janno Gibbs ang dahilan ng kanyang pag-resign sa "Eat Bulaga"

Bida si Gladys Guevarra sa upcoming GMA-7 TV show na Magic Kamison. Sa isang panayam para sa "Chika Minute" segment ng 24 Oras, sinabi ni Gladys na, "Nandito nga ako sa Magic Kamison. Nung na-offer yung Magic Kamison, nasa Bulaga pa ako nun. Besides, once a week lang ang taping. Yung buong araw naman ng Linggo, pahinga pa rin ako."

May isang linggo na ding wala si Gladys sa noontime show ng GMA-7. Maraming spekulasyon ang naglabasan ukol sa totoong dahilan ng kanyang resignation. May sinasabing nagdadalang-tao siya at meron namang umiiwas daw kay Janno Gibbs. May iba pang balitang inalukan diumano siya ng ABS-CBN.

Sa isang nasulat na artikulo sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Gladys na health reasons ang dahilan kung bakit siya nag-resign sa Bulaga.

Sa panayam sa kanya ng Chika Minute Segment ng 24 Oras, pinagtawanan lang ni Gladys ang lahat. "Hindi po dahil kay Janno Gibbs. Friends kami ni Janno. Hindi po ako buntis. Wala naman akong nakabangga, wala naman akong nakaaway sa Bulaga," diin ng komedyana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Gladys, kailangan daw niyang magbawas ng show para maasikaso ang sarili. Bukod sa Eat Bulaga, regular ding napapanood si Gladys sa QTV-11 show na H30 kasama sina Jose at Wally Bayola. Abala din siya sa mga raket niya sa mga comedy bars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Gladys, hindi pagbubuntis at lalong hindi si Janno Gibbs ang dahilan ng kanyang pag-resign sa "Eat Bulaga"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results