PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Expect to see a leaner Ian de Leon in "Super Twins"

Masigasig ang naging paghahanda ni Ian de Leon para sa GMA-7 fantaserye na "Super Twins."
by Wells Avante
Published Jan 17, 2007
Buong pagmamalaking sinabi ni Ian de Leon na lumiit ang kanyang baywang mula 36 sa size 30!

Isang bagong Ian de Leon ang mapapanood ng publiko sa GMA-7 fantaserye na Super Twins. Nang huli siyang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Imperial Palace Suites, kapansin-pansin na malaki ang binaba ng timbang nito. Nagpapayat si Ian dahil sa payo ng kanyang mga manager na sina Malou Choa-Fagar at Jun Nardo.

Masayang ibinalita ni Ian na bahagi siya sa bagong fantaserye ng GMA-7 na pagbibidahan rin nina Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Marian Rivera, at Dennis Trillo.

"Ginagawa namin yung Super Twins. We started taping two weeks ago. Ako si Manuel, ako yung nagpalaki sa kambal. Baby pa sila nun. Ako nagpalaki sa kanila. I think maga-air siya sa February 12."

DIET STRATEGIES. Bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa bago niyang palabas, nagbawas ng timbang si Ian sa pamamagitan ng pagbabago ng kanyang diet. "I have to lose weight. Ayun kinareer ko ang diet. Bawas sa rice, bawas mantika, eat healthy food, greens, and proteins. Konting weights, more on running.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa breakfast, may wheat bread ako nang konti. Treadmill, tapos lots of water, multivitamins. Pag nagutom ako, egg whites, tuna. Next day—salmon. Lumalabas kami, tapos salad...ganun."

Naging mabunga naman ang kanyang pagpupursige dahil malaki ang nabawas sa kanyang baywang—mula size 36 ngayon ay 30 inches na lang ito.

OTHER INTERESTS. Huling napanood si Ian sa teleseryeng Ang Panday (Unang Yugto) sa ABS-CBN isang taon na ang nakaraan. Tinanong ng PEP kung ano ang pinagkaabalahan ni Ian sa panahong hindi siya nakikita sa telebisyon o sa pelikula.

"Sumasali ako sa iba't ibang bands sa Tokyo. Vocalist, minsan drums. Katuwaan lang. Pag nandito ako sa Philippines, nag-aaral ako ng digital painting, digital art. Yun ang pinagkakaabalahan ko.

"Nag-enroll ako sa sister company ng Informatics, which is CAL [Computer School], sa may Alabang. I'm planning to go back to school pag-uwi ko dito. Home study or something like that."

Bukod sa pag-aaral ng digital painting, matagal na ring mahilig sa kotse si Ian. Kwento pa niya, mayroon siyang binubuong kotse ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

CAREER PLANS. Sa edad niyang 31, tinanong ng PEP si Ian kung ano ang nais niyang maging takbo ng kanyang career. "More on mature roles, more on character acting roles. Gusto ko rin maging versatile. Sa edad ko ngayon, seryoso na. Nag-pray na rin ako kay Lord na tuloy-tuloy na rin.

"Thank God na napalapit ako kina Tita Malou [Fagar], kina Tita Redgie [Magno]. Hindi ko na bibitawan ito. Aalagaan ko na yung career ko. From this moment on, seryoso na. I'll be focusing on my career."

Inusisa din ng PEP kung ano ang bagay na kanyang natutunan sa pagdaan ng panahon. "To take care of what God has given me, especially yung talent. Yung binigay niyang talent, utilize it, use it to your advantage, and share it to other people. Kelangan alagaan yun. Wag pupunta sa ulo."

Dagdag pa ng anak ng dalawang major stars ng Philippine movies na sina Nora Aunor at Christopher de Leon: "Remain humble. Hindi natin maiiwasan pag nandun na...tendency natin, di ba? Each time na magta-taping kami o may gigs kami, I pray before and after. Pasalamat sa mga tao sa paligid namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Ian de Leon, Super Twins
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buong pagmamalaking sinabi ni Ian de Leon na lumiit ang kanyang baywang mula 36 sa size 30!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results