Marian Rivera says her vice presidential bet is Leni Robredo

Apr 11, 2016
<p>Marian Rivera on supporting Leni Robredo's candidacy: "Hindi lang dahil siya rin ang napili ng aking asawa, maging ng marami kong kaibigan at kakilala, kundi dahil kinakitaan ko sya ng sinceridad, integridad, kakayahang mamuno at maglingkod lalo na sa

Sa kauna-unahang pagkakataon, inihayag ni Marian Rivera na si vice-presidential candidate at Camarines Sur Third District Representative Leni Robredo ang napili niyang iboto sa May 9, 2016 elections.

Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, April 11, idinetalye ni Marian kung bakit susuportahan niya ang kandidatura ni Leni.

“Sa debate kagabi, naliwanagan ako sa kani-kaniyang mga pananaw ng mga kandidato sa pagka-Bise Presidente.

“Dahil diyan, lalong tumibay ang aking paniniwala na si Congresswoman Leni Robredo ang susuportahan ko.

“Hindi lang dahil siya rin ang napili ng aking asawa, maging ng marami kong kaibigan at kakilala, kundi dahil kinakitaan ko siya ng sinseridad, integridad, kakayahang mamuno at maglingkod lalo na sa mga kababaihan at manggagawa na nasa laylayan ng lipunan.”

Ayon pa kay Marian, bilib din siya sa pagiging tapat ni Leni sa pagbibigay ng serbisyo publiko.  

“Matagal na siyang nasa public service bago pumasok sa politika at sa mga panahong ito ay hindi nabahiran ng katiwalian ang kanyang record at character kaya bilib ako sa kanya.

Continue reading below ↓

“Iba-iba man po tayo ng opinyon at gusto, sigurado ako na lahat tayo nangangarap ng mas maunlad at maayos na Pilipinas.

“Sa tingin ko, isa sa pangunahing paraan para makamit ito ay ihalal natin ang mga tamang tao.

“At para sa akin, tiwala ako sa pamumuno ni Leni Robredo kung sya ang magiging Bise Presidente ng ating bansa.”

Sa huli, hinikayat ni Marian ang mga botante na kilalanin nang maigi ang kung sinumang kandidato ang napili nila para sa 2016 elections.  

“Sa mga wala pang napipiling susuportahan, magdasal at suriin pong mabuti ang bawat kandidato para makapag desisyon ng tama.

“’May the best woman win,’ sabi nga niya. #LeniismyVP @lenirobredo

Sa debate kagabi, naliwanagan ako sa kani-kaniyang mga pananaw ng mga kandidato sa pagka Bise Presidente. Dahil diyan, lalong tumibay ang aking paniniwala na si Congresswoman Leni Robredo ang susuportahan ko. Hindi lang dahil siya rin ang napili ng aking asawa, maging ng marami kong kaibigan at kakilala, kundi dahil kinakitaan ko sya ng sinceridad, integridad, kakayahang mamuno at maglingkod lalo na sa mga kababaihan at manggagawa na nasa laylayan ng lipunan. Matagal na siyang nasa public service bago pumasok sa politika at sa mga panahong ito ay hindi nabahiran ng katiwalian ang kanyang record at character kaya bilib ako sa kanya. Iba-iba man po tayo ng opinyon at gusto, sigurado ako na lahat tayo nangangarap ng mas maunlad at maayos na Pilipinas. Sa tingin ko, isa sa pangunahing paraan para makamit ito ay ihalal natin ang mga tamang tao. At para sa akin, tiwala ako sa pamumuno ni Leni Robredo kung sya ang magiging Bise Presidente ng ating bansa. Sa mga wala pang napipiling susuportahan, magdasal at suriin pong mabuti ang bawat kandidato para makapag desisyon ng tama. "May the best woman win" , sabi nga niya. #LeniismyVP ??? @lenirobredo

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on

Read Next
Read More Stories About
leni robredo, Marian Rivera
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Marian Rivera on supporting Leni Robredo's candidacy: "Hindi lang dahil siya rin ang napili ng aking asawa, maging ng marami kong kaibigan at kakilala, kundi dahil kinakitaan ko sya ng sinceridad, integridad, kakayahang mamuno at maglingkod lalo na sa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results