PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Danica Sotto instrumental in finding Marc Pingris's dad

Danica secretly searched for Marc's biological father
by Alex Datu
Published Jan 18, 2007
"Wala akong pakialam kung tanggapin siya [Marc] o hindi. I just want closure para maging buo ang pagkatao niya," says Danica Sotto about looking for her future husband's father.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang soon-to-be-wed na si Danica Sotto after ng taping ng Homeboy last Tuesday, January 16. Kasamang nag-guest ng panganay na anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie ang future husband niyang si Marc Pingris.

Sa nasabing episode ng daily morning show ni Boy Abunda sa ABS-CBN ay ibinahagi nina Danica at Marc na nahanap na ng Purefoods player ang kanyang biological father. Ito ay naging posible sa malaking tulong na rin ni Danica.

Ayon kay Danica, matagal na raw kasing hinahanap ni Marc ang kanyang ama na nagngangalang Jean Marc Pingris, isang Frenchman. Sanggol pa lang daw kasi ang Purefoods player nang iwanan sila nito.

"Kasi dati nung friends pa lang kami [ni Marc] ay parang lagi siyang galit. Ang sabi ko, ‘Kapag kunwari galit ka, madadala mo ‘yan hanggang pagtanda mo kung hindi ka matutong mag-forgive,'" sabi ni Danica.

Ikinuwento ni Danica kung paano nila natunton ang ama ni Marc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"First, I was looking sa Internet... Pero nahanap talaga namin through letters din. Noong nasa [basketball] practice si Marc, I went to the French Embassy sa tulong ng mommy niya. Kinuha lahat ng documents ni Marc, kasama na doon ang mga importanteng documents ng father niya para may proof talaga. After that, dinala naman sa Switzerland yung documents kasi may tita ako doon. Yung tita ang nagdala sa embassy doon," panimulang kuwento ni Danica.



"So, naghintay na lang ng go signal niya [father of Marc] dahil mga personal na mga bagay ‘yon. Hindi agad pinapayagan na makakuha ng info, although yung embassy ay di rin alam kung nasaan siya. So, sinabi magpadala na lang ng sulat sa uncle ni Marc, si Luis Pingris, na kapatid ng tatay niya," patuloy niya.



"So we wrote a letter na ang nakalagay ay gusto ko lang malaman if he is still alive. Wala akong pakialam kung tanggapin siya [Marc] o hindi. I just want closure para maging buo ang pagkatao niya. Kasi hindi siya buo, di ba? Forever ‘yang may pagtatanong, forever ‘yang may feeling of rejection," paliwanag pa ni Danica.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



"So, ‘yon nga, sumulat kami sa uncle ni Marc. We were surprised, siguro through prayers na rin, na ang letter na bumalik after three months ay from his father!" excited niyang dagdag.

Umabot ng siyam na buwan ang paghahanap ni Danica bago niya natunton ang ama ng kanyang magiging asawa.

Ano naman ang naging kapalit sa ginawa ni Danica na naging tulay para magkaroon ng komunikasyon si Marc at ang kanyang ama?

"House and lot sa Parkwood sa Pasig!" agad na sambit ng basketbolista na katabi ni Danica ng mga sandaling ‘yon.

Sumingit si Danica at ipinaliwanag na walang siyang hinihiling na kapalit sa kanyang ginawa.

"Kasi ginawa mo ‘yon, hindi dahil kailangan mo ng kapalit. Parang ang pangit naman kasi para sa akin na... Ginawa ko lang ‘yon, wala dapat prize," sabi ni Danica.



"Actually, sa totoo lang, hopeless na rin ako nung una kasi parang imposible na ito. Kasi hinanap ng nanay niya, hinanap na ng lahat. Pati embassy, di kami matulungan. So na-hopeless na rin ako," patuloy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"I just want to find out if he's alive or dead. 'Yon lang, as in ganun lang kasimple yung gusto kong malaman. But nagulat kami na mas marami pala ang mangyayari," dagdag pa ni Danica.



Masaya ring ibinalita ni Marc na nagkausap na sila sa telepono ng kanyang biological father.

"Tinanong ko siya kung ano ang nararamdaman niya ngayong nagkausap na kami. Sabi niya, masaya din siya. Pinapupunta kami ni Danica sa Normandy sa France at siya na daw ang bahala sa aming dalawa," kuwento ni Marc.

"Sinabi ko rin sa kanya na ikakasal na ako at sana makarating siya. Sabi niya hahanap siya ng mga days na wala siyang work siguro," dagdag niya.

Nakatakda ang kasal nina Danica at Marc sa March 3, 2007.

Read Next
Read More Stories About
Danica Sotto, Marc Pingris
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala akong pakialam kung tanggapin siya [Marc] o hindi. I just want closure para maging buo ang pagkatao niya," says Danica Sotto about looking for her future husband's father.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results