PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vhong Navarro dreams of directing a movie someday

Dancer-comedian Vhong reveals dream to become a director like his idol and manager Chito Roño.
by Wells Avante
Published Jan 18, 2007
Buong pagmamalaking sinabi ni Vhong na wala siyang stunt double habang ginawa niya ang pelikulang Agent X44.

Inamin ng komedyanteng si Vhong Navarro na balang-araw gusto niyang maging isang versatile na director.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vhong sa premiere night ng Agent X44 noong January 16. Naganap ang interview sa blowout party ng nasabing pelikula sa Italianni's Restaurant sa Megamall.

Tinanong siya ng PEP kung totoo nga bang balak niyang maging direktor ng pelikula balang araw.

Bahagya siyang natawa bago niya sinabi, "Idol ko kasi talaga si Direk Chito Roño sa pagdidirek dahil sobrang galing niyang gumawa ng suspense-thriller, drama. Hindi niyo alam, magaling ding mag-comedy 'yang si Direk. Yun ang gusto kong ma-achieve na director, versatile, na pwede siya sa lahat."

Si Chito, na manager ni Vhong at ng Streetboys, ang direktor ng blockbuster horror films na Feng Shui at Sukob. Naging direktor din ni Vhong si Chito sa mga pelikula ng Streetboys na Spirit Warriors at ang sequel nito na Spirit Warriors: The Shortcut.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Di nga naman nagkakamali si Vhong na pipili ng iidolohin. Si Chito Roño ang isa sa mga pinakamagaling na direktor sa pelikula at telebisyon ngayon. Sinasabi pa ngang siya ang sumunod sa yapak ng legendary Filipino director na si Ishmael Bernal.

Tinanong din namin si Vhong kung mayroon na ba siyang mga paghahandang ginagawa sa pagiging direktor.

Pakonti-konti pa lang daw, sabi ni Vhong. "Sa ngayon kasi, hindi pa talaga magkaroon ng focus dahil nga sumasayaw uli ako e. Ngayon, nag-aartista din. Ang hirap nang pagsabayin ng dalawa. Sa ngayon ang ginagawa ko, pag nanonood ako ng mga films, ina-appreciate [ko] yung mga shots. Ngayon, alam mo na kung paano ginawa yun. May konting idea ka na. Dun ako nagsisimula," paliwanag niya.

BLACK THEATER. Hindi lamang bida si Vhong sa Agent X44. Siya rin ang nanguna sa pagko-konsepto ng black theater na ginamit nila sa action scene nila ni Epy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tulad nga nung black theater, yung kami ni Epy [Quizon]. Hindi naman siya effects, di ba? Ideas lang. Yun yung sinuggest ko kay Direk Joyce," sabi ni Vhong. Si Bb. Joyce Bernal ang nagdirek ng Agent X44.

"Sinabi ko talaga sa kanya, medyo madugo, mahirap, kaya pinaghirapan namin for four days na rehearsal tapos two days kami nag-shoot. Ako mismo yung tuma-tumbling, hindi ako nagpa-double," patuloy niya.

Tinanong din ng PEP kung ano ang pakiramdam niya nang kanyang gampanan ang role na pinasikat noon ni Tony Ferrer—ang original Agent X44 noong dekada '60.

"Alam mo, sa totoo lang, sobrang hirap dahil si Tito Tony Ferrer, napaka-sikat niya noon. Siya ang James Bond ng Pilipinas. Nalaman ko 15 pala ang nagawa niyang X44. Di ba, mga pelikula part four lang, part five? Si Tito Tony, fifteen! Lalo akong na-pressure dun. Kilala pa siya ng pamilya ni Bruce Lee," bilib na bilib na sabi ni Vhong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sinabi ko na lang, kung ano lang ang pwedeng magawa ko sa pelikula, basta paghihirapan ko. Number one na sinabi niya sa akin, hindi siya nagpa-double. So hindi din ako nagpa-double. Talagang ang bigat! Nakakatuwa kasi isa ako sa mga napagkatiwalaan na gawin ko yung character niya as Agent X44."

ADVANTAGES OF A DANCER. Ibinahagi rin ni Vhong kung gaano kalaki ang naging tulong sa kanya ng pagsasayaw sa mga stunts na ginawa niya sa pelikula. Magpahanggang ngayon, miyembro pa rin ng dance group na Streetboys itong si Vhong.

Aniya, "Siguro pag dancer, madali sa akin dahil yung porma. Nakukuha ko yung porma. Kung hindi ko kaya, iniiba namin na maganda yung porma. Yung porma ang talagang importante. Kasi dancer nga ako, so mas napopormahan ko kahit hindi ako nag-aral talaga [ng stunts]."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buong pagmamalaking sinabi ni Vhong na wala siyang stunt double habang ginawa niya ang pelikulang Agent X44.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results