PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Second layout of "Troika" poster finally approved by MTRCB

Lara Morena's role reportedly bigger than that of Criselda Volks
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 23, 2007
The second layout of Troika, which was finally approved by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).


Naaprubahan na rin sa wakas ang bagong layout ng pelikulang Troika (Threesome) ng Daven Productions International na idinirek ng character- actor-turned-director na si Ihman Esturco.



Matatandaang na-disapprove ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang unang layout ng poster ng Troika dahil masyado raw graphic ang dating nito. Sa unang layout ay may magkayakap na dalawang lalake at isang babae na nakahubad mula sa baywang paitaas.

Wala na raw naging problema ngayon sa second layout dahil mga kamay na lang na magkakahawak ang nakalagay sa poster.



"Nakialam na ako sa pagle-layout ng bagong poster," nakangiting pahayag ni Ihman, "kaya medyo na-tame na at pumasa na sa panlasa ng mga taga-MTRCB. Nabigyan din kami ng R-18 rating, which is what I was expecting talaga."

"Mahirap palang i-defend ang sarili mong pelikula sa harapan ng MTRCB. Para kang nagdedepensa ng thesis mo sa college. Nakakakaba pero naging okay naman ang pagbigay ng rating sa directorial debut ko," aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa February 14 na ang showing ng Troika. Ayon kay Ihman, magkakaroon daw ito ng mga premiere nights sa iba't ibang probinsiya ‘tulad ng Cebu at Bacolod.



"May nakausap na rin ako from Hong Kong. May Filipino community doon na gustong mag-sponsor ng isang premiere night for Troika. Nababasa na raw nila sa Internet ang pelikula. Interesado sila sa movie kaya nakakatuwa naman," sabi pa ni Ihman.



Magkasama pala sa Troika ang magkaaway ngayon na sina Criselda Volks at Lara Morena. Pero ngayon ay tila tumahimik na ang dalawang starlets. Balita kasing nakipagbalikan na si Lara sa boyfriend niyang si Tonio Quiazon. Nakatulong raw ang away ng dalawa para mapag-usapan ang pelikula.



Pero hindi kaya maulit ang bangayan ng dalawa dahil, ayon sa mga nakapanood na sa Troika, mas mahaba raw ang exposure ni Lara kaysa kay Criselda, na buong-ningning na ipinagmamalaki na siya ang lead actress sa Troika?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The second layout of Troika, which was finally approved by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results