PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Alcaraz willing to do daring roles

Marco Alcaraz hurt by Isabel Oli's denial.
by Melba R. Llanera
Published Jan 23, 2007
"Yung mga kissing scenes and love scenes, basta kailangan sa story at maganda ang pagkaka-direk, okay yun sa akin. Butt exposure? Walang problema basta kailangan talaga at di inilagay lang dahil gusto lang ilagay," says Marco Alcaraz about daring roles.


Nakagawa na ng pangalan sa bakuran ng ABS-CBN ang young actor na si Marco Alcaraz, pero pagkalipas lang ng maikling panahon ay lumipat din siya sa bakuran ng GMA-7.



Naipareha siya noon sa ilang mga sikat ng young actresses ng ABS-CBN—kabilang sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo —kaya pinagtatakhan ng karamihan kung bakit biglang namahinga sa kanyang showbiz career at lumipat sa bakuran ng Siete si Marco.

"May mga pumapasok noon na mga projects, pero tinapos ko na muna yung school ko. I graduated from San Sebastian, Management, March of last year. Wala namang regrets na medyo kumonti yung mga projects kasi nag-focus muna ako sa studies ko," panimulang kuwento ni Marco sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng SOP.

Ipinaliwanag din ni Marco ang dahilan ng paglipat niya sa bakuran ng Kapuso Network.

"Regarding sa paglipat ko sa GMA-7, manager ko ang nag-decide, si Arnold Vegafria. But wala naman akong exclusive contract dito, formality lang that I'm here. I'm still free pa rin naman na mag-guest sa ABS paminsan-minsan. Nagpapaalam ako dito and okay naman sa kanila," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Most of my shows are here sa GMA. Semi-regular ako sa SOP, 'tapos I have a show in QTV 11, yung Ganda ng Lola Ko," pagbabalita pa ni Marco.

Karamihan sa mga kabataang artista ay sumasabak na sa mga matured and sexy roles. Hindi raw isinasara ni Marco ang pinto niya sa mga ganitong klaseng roles.

"Okay lang basta okay naman yung story. Yung mga kissing scenes and love scenes, basta kailangan sa story at maganda ang pagkaka-direk, okay yun sa akin. Butt exposure? Walang problema basta kailangan talaga at di inilagay lang dahil gusto lang ilagay. Gaya ng sinasabi ko, basta kailangan sa story, why not?" aniya pa.



Isa si Marco sa mga young actors na may malakas na appeal sa mga kababaihan at lalo na sa mga bading. Ito siguro ang dahilan kung bakit di mamatay-matay ang issue na may mayamang gay benefactor ang dating varsity player ng San Sebastian College.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Since I started in basketball, marami na akong naging friends na gays. Tapos napasok pa ako sa show business. Hindi maiiwasan ‘pag medyo umangat ka, may magsasabing hawak ka ni ganito o ni ganyan. Kumbaga, yung ganyang mga intriga, parte siya ng trabaho natin dito," paliwanag ng young sexy actor.



"Ako, friendly lang ako with them. Kung tingin ng ibang tao, hawak ako ni ganito, okay lang. As long as na malinis ang konsensiya ko na di totoo," pahabol pa niya.

Minsan na ring naiugnay ang pangalan niya kina Angelica Panganiban at Isabel Oli. Sa pagde-deny na ginawa ng mga young actresses na ito sa kanya, hindi ikinakaila ni Marco na medyo ingat na rin siyang makipagrelasyon sa taga-showbiz.


Aniya, "Yung kay Angelica, kasi walang ligawan na nangyari. It was just pure friendship. Yung kay Isabel ako na-hurt. Pero kung ayaw niya talagang aminin, wala akong magagawa, di ba?"



Patuloy niya, "Wala na kaming communication ni Isabel and okay lang sa akin yun. Wala rin namang problema sa amin ni Paolo [Contis, boyfriend ni Isabel]. Magkasama pa nga kami sa isang show. Mag-best friend ang role namin sa Ganda ng Lola Ko."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa niya, "Pero given a choice, mas preferred ko sana kung di taga-showbiz. Mas simple, mas maganda. Pero di mo pa rin masasabi kung sino ang magugustuhan mo. ‘Pag tumibok ang puso mo, wala ka ng preferences na masusunod. Titibok at titibok ‘yan kahit na anong pigil pa ang gawin mo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung mga kissing scenes and love scenes, basta kailangan sa story at maganda ang pagkaka-direk, okay yun sa akin. Butt exposure? Walang problema basta kailangan talaga at di inilagay lang dahil gusto lang ilagay," says Marco Alcaraz about daring roles.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results