Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng e-mail kahapon, January 22, mula sa No Seat Affair! (noseataffair@yahoo.com) tungkol sa pagpanaw ni Raymond Pagdanganan. Si Raymond ay dating miyembro ng Orange & Lemons, ang banda na nagpasikat sa "Pinoy Ako"—ang theme song ng Pinoy Big Brother.
Ayon sa e-mail, namatay si Raymond—anak ng dating governor ng Bulacan na si Obet Pagdanganan—noong January 21 dahil sa "internal hemorrhage hours after he figured in a car accident along McArthur Highway, Malolos, Bulacan."
Dating rhythm guitarist ng Orange & Lemons si Raymond noong high school at college days nila.
The night before nangyari ang sakuna ay um-attend pa si Raymond ng gig ng kanyang mga dating kabanda sa Malolos. Plinano pa nga raw ng mga kaibigan niyang sina Macoy at Clem ng Orange & Lemons ang nalalapit niyang kaarawan ngayong February. Raymond would have turned 27.
Itinama rin sa ipinadalang e-mail ang naunang lumabas na kasalukuyang miyembro ng Orange & Lemons si Raymond. Nilinaw nila na dating miyembro ng sikat na banda ang namatay.