PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marcus Madrigal laughs at rumor that he has a gay benefactor

Marcus makes a successful showbiz comeback after years of absence.
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 24, 2007
"Para kasing ang hirap nang makasingit pero nabigyan pa rin tayo ng pagkakataon. Matagal nga akong nawala at nakaka-miss talaga ang showbiz. Mabuti na lang at marami pa ring mababait na tao na willing tumulong," says Marcus Madrigal.

Maganda ang naging pagbabalik ni Marcus Madrigal sa showbiz. Matagal-tagal din kasi siyang nawala ngunit sa pamamagitan ng GMA-7 soap drama na Bakekang kaya nakapag-circulate ulit siya sa showbiz.



Ngayon ay kasali na siya sa 14th season ng Daisy Siete, ang "Siete-Siete, Mano-Mano." Gaganap siyang anak na bading ni William Martinez na isang retired boxer.

"Napakaganda ng role na binigay sa akin dito sa Daisy Siete," masayang sabi ni Marcus. "Natutuwa ako at naisipan nila akong kunin. Noong mapanood daw kasi nila ako sa Bakekang, nakita nilang puwede pa pala ako kaya nagpapasalamat ako sa Focus E, lalo na kay Ate Joy Cancio sa magandang opportunity na ito na mapasama sa show nila."

Wala raw manager ngayon si Marcus at tinutulungan daw siya sa bookings ng GMA-7. Hindi nga inakala ni Marcus na makakabalik pa siya dahil alam niyang marami ng mga bagong artista.

Nagsimula bilang sexy star si Marcus noong late ‘90s. Isa sa mga pelikulang ginawa niya ay ang ang Pila-Balde kasama si Ana Capri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Para kasing ang hirap nang makasingit, pero nabigyan pa rin tayo ng pagkakataon. Matagal nga akong nawala at nakaka-miss talaga ang showbiz. Mabuti na lang at marami pa ring mababait na tao na willing tumulong," sabi niya.



Ang naging balita nga ay kaya siya nawala ay ibinahay raw siya ng isang mayaman na bading. Natawa na lang si Marcus dahil wala raw katotohanan iyon.



"Kasama ko pa rin ang nanay ko sa bahay. Ayoko ng hindi kasama ang nanay ko. Nakakatawa na lang ang mga balitang 'yan. Matagal nang tsismis sa akin ‘yan, ‘di ba? Bahala na lang sila kung ano ang isipin nila. Basta ako, balik-trabaho ako," pagtatapos ni Marcus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Marcus Madrigal, Daisy Siete
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Para kasing ang hirap nang makasingit pero nabigyan pa rin tayo ng pagkakataon. Matagal nga akong nawala at nakaka-miss talaga ang showbiz. Mabuti na lang at marami pa ring mababait na tao na willing tumulong," says Marcus Madrigal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results