PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aryana traumatized by alumni-homecoming incident

Aryana and her parents want letter of apology from Don Bosco Makati Alumni Office.
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 24, 2007
Aryana was reportedly harassed when she guested at the Don Bosco Alumni Homecoming.


May pakiusap ang mga magulang ng singer na si Aryana sa kung sino man ang punong-abala sa naging Alumni Homecoming ng Don Bosco Makati noong nakaraang Sabado. Binastos kasi si Aryana ng isa sa mga alumni ng naturang eskuwelahan habang naghu-host ito sa entablado.



Ikinuwento ng manager ni Aryana na si Geleen Eugenio na iyak nang iyak ang kanyang talent dahil sa ginawang pambabastos dito. Hindi nga raw makapaniwala si Aryana na isang 40-anyos na lalake pa ang gagawa ng kabastusan na iyon sa kanya.



"Sinisimplehan niya si Aryana habang naghu-host ito sa stage. E naka-short skirt si Aryana that time, sinisimplehan niyang kunan yung ilalim ng skirt sa pamamagitan ng camera phone. E nakita siya ni Aryana kaya napasigaw ito sa stage," panimulang kuwento ni Geleen.



"Isipin mo na lang, homecoming yun pero bakit sila nambabastos ng guests nila? At yung lalakeng nagtangkang bosohan si Aryana, e halos puwede na niyang maging anak si Aryana. Kaya yung bata iyak nang iyak. Parang na-trauma ng mag-show kapag maraming lalake," aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Nasita naman daw yung naturang lalake ng mga kasama ni Aryana na taga-GMA Artist Center at maging ng mga taga-Don Bosco. Sinabihan nila yung lalake na burahin ang anumang nakunan niya.

"Binura naman daw ng lalake, pero how could we be sure na talagang nabura niya? Nakakatakot nito is baka ipasa pa niya ‘yan kung kani-kanino. Noong malaman nga ng parents ni Aryana, galit na galit sila. Kasi first time nga lang mabastos si Aryana sa isang show," paliwanag pa ni Geleen.



Ang gustong mangyari ng parents ni Aryana ay mag-issue ng isang Letter of Apology ang Alumni Office ng Don Bosco Makati kay Aryana at sa GMA Artist Center dahil alumnus nila ang gumawa ng kabastusan.



"Ang lalabas kasi na nakakahiya diyan ay ang Don Bosco. Natural, iisipin ng marami na mga manyakis pala ang mga alumni nila. Ang kasalanan ng isa ay nagiging kasalanan ng marami. Hindi naman yata maganda sa image ng Don Bosco ang ganyan, ‘di ba?" mainit pahayag ni Geleen. "Kaya that Letter of Apology will do them good. They should apologize to the artist na nagawan ng hindi tama since nangyari ang incident sa mismong homecoming ng mga alumni nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Aryana, Geleen Eugenio
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aryana was reportedly harassed when she guested at the Don Bosco Alumni Homecoming.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results