Dalawang buwan pang hindi makapaglalaro ng basketball si Angelo Patrimonio bunga ng isang knee injury na nangyari sa kanya last October. Si Angelo ang panganay na anak ng dating basketball superstar na si Alvin Patrimonio.
Kinailangan kasing lagyan ng dalawang bakal ang tuhod ni Angelo para matanggal at ma-correct ang fractured ligaments niya. Kinailangang gawin ito para gumaling agad siya, pero hindi naman iniwan sa loob ng binti niya ang mga bakal.
Sa ngayon, tatlong buwan nang hindi nakapaglalaro ng basketball si Angelo. Gumamit pa siya ng saklay or crutches ng isa't kalahating buwan. Pero ngayon ay nakakalakad na siya without his crutches.
Sa kabila ng nangyari sa kanya, desidido pa rin si Angelo na lampasan ang basketball achievements ng ama niya na naging four-time Most Valuable Player (MVP) ng Philippine Basketball Association (PBA).
At six feet, kaya naman siguro itong gawin ni Angelo. Pero habang nagpapagaling pa siya nang husto from his knee injury—na nakuha niya sa paglalaro ng basketball—pag-aartista muna ang hinaharap niya.
Isa siya sa teen attractions ng Abt Ur Luv ng ABS-CBN 2. At tulad ng isang tipikal na binatilyo—he's only 17 years old—ay may mga crushes na siya. Ilan sa kanila ay ang mga kasama niya sa Abt Ur Luv na sina Shaina Magdayao, Empress Schuck, at Denise Laurel.
Given a chance, si Empress daw ang liligawan niya.
Ang advise sa kanya ng mommy niya na si Cindy Patrimonio, makipagkaibigan muna raw siya sa mga babae. After five years, tsaka na raw siya magseryoso sa panliligaw.
Ayon kay Angelo, may niligawan na siya dati pero inihinto niya dahil he had a lot of things in mind. Ilan na rito ang pag-aaral (3rd year high school student siya sa San Beda sa Taytay), ang basketball, at ang pag-aartista. Hilig niya raw talaga ang umarte sa harap ng kamera.
After high school, balak niyang kumuha ng kursong Computer Science or Nursing. Gusto raw niyang magtrabaho abroad kapag hindi siya naging successful bilang isang artista dito sa Pilipinas.
Angelo plays Webb in Abt Ur Luv, aired Saturdays on ABS-CBN. Bukod kay Angelo, Shaina, Empress, and Denise, marami pang ibang kasama rito: Aaron Agassi, Aldred Gatchalian, AJ Perez, Carla Humphries, Cris Gutierrez, Dino Imperial, Enchong Dee, Joaqui Mendoza, Lauren Young, Mikee Lee, Mikki Arceo, Rayver Cruz, Valeen Montenegro, Victor Basa, and Zia Marquez.
