Heart Evangelista defends husband Sen. Chiz Escudero's way of speaking at VP debate

Apr 12, 2016
<p>Hindi nakaligtas si Sen. Francis Escudero sa pangungutya dahil sa paraan at tono ng kanyang pagsasalita sa nakaraang debate para sa mga tumatakbong bise presidente Itinuturing pa nga ng dating mamamahayag na si Teddy Boy Locsin Jr. na 'mass suicide' da

Tatak na ni Senator Francis 'Chiz' Escudero ang patula na pagsasalita na parang isang makata.

Ipinamalas ng vice-presidential candidate ang kanyang husay sa pagsasalita ng wikang Tagalog sa nakaraang Vice Presidential Debates 2016 noong Linggo, April 10.

Ngunit may iilan hindi natuwa sa tono ng kanyang pagsasalita habang nakikipagdebate.

Isa na rito ang batikang mamamahayag na si Teddy Boy Locsin Jr.

Sa kanyang tweet noong Linggo rin, sabi ni Teddy: “Imagine Chiz your president speaking like that day in and day out for 6 years. Mass suicide.”

Marahil, nakarating na sa misis ni Chiz na si Heart Evangelista ang mga kahalintulad na pangungutya sa pagsasalita ng asawa, kaya naman nag-post ito sa Instagram kahapon ng isang mensahe mula sa isang supporter.

Ayon sa quotation: “Tulad ng waze gusto mo man o ayaw ang boses na nagsasalita sa app, dadalhin ka naman niya sa destinasyon na hangad mong puntahan.”

Nakalagay naman sa caption: “#SayChiz be like a flowing water. Only through its softness that it breaks the rock, and finds itself in the immensity of the sea.”

Continue reading below ↓

#SayChiz ?? be like a flowing water. Only through its softness that it breaks the rock, and finds itself in the immensity of the sea.

A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Sinundan pa niya ito ng isang mensahe: "Naliligaw ng landas? Wala Sa Tono ng Salita. Nasa Gawa."

Nilagyan pa niya ito ng hashtag na #chizwaze

Because it's a non-issue ??wala sa Tono ng salita.nasa gawa!?? #SayChiz #chizwaze

A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Read Next
Read More Stories About
teddy boy locsin
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Hindi nakaligtas si Sen. Francis Escudero sa pangungutya dahil sa paraan at tono ng kanyang pagsasalita sa nakaraang debate para sa mga tumatakbong bise presidente Itinuturing pa nga ng dating mamamahayag na si Teddy Boy Locsin Jr. na 'mass suicide' da
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results