Melanie Marquez still not giving up on getting pregnant again


"Ang worries lang naman nito ay ang health ko. Pero sabi ng doktor ko ay puwede pa rin akong manganak, although may ilang doctors na nagsabing I can't because of my age. But some said, it's just natural. A lot of women naman give birth as long as you have [your] period," says Melanie Marquez about getting pregnant.



Lovely and beautiful as ever pa rin si Melanie Marquez nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ni Jaime Acosta—president ng Psalmstre Enterprises na gumagawa ng New Placenta Whitening & Anti-Aging soap—last Tuesday, January 30, sa rooftop ng JMJ Building, Sta. Mesa, Manila. Si Melanie ang image model ng New Placenta.



Kitang-kita pa rin sa mukha ng dating Miss International ang kaligayahan dahil sa ikalawang pagkakataon ay nanalo ang kanilang isinampang kaso laban sa Pureform Cosmetic Products Company, na may-ari naman ng Renew Placenta soap.

"Siyempre, unang-una kong pinasalamatan ang Panginoon. Kasi ipinagdasal ko lang na magkaroon ng magandang resulta ang ipinaglalaban namin na tama," panimulang sabi ni Melanie.



Kumusta naman sila ni Richard Hiñola na dating nagpi-PR sa kanya noon at kasama sa idinemanda niya?

"Actually, noong nagkita kami sa korte, he was trying to be friendly. As what I have said, I have nothing against anyone. It's just that their actions are not right. Kaya it has to put a stop. ‘Yon lang naman ang aking ipinaglaban kasi kung kaibigan ko talaga si Richard, hindi niya ako dapat ilagay sa alanganin," sabi ng beauty queen-model-actress.

Napabalita noon na kaya nag-backout si Melanie bilang isa sa mga judges sana ng Philippines's Next Top Model ay dahil sa kagustuhan niyang mabuntis sa huling pagkakataon. Ano na ang nangyari rito?

"Natanso!" natatawang sabi ni Melanie.

"We were in the States for about three weeks and I was hoping to have a baby. Hindi pa rin nabuo kasi nagkaroon 'ata ako ng sinasabi nilang ‘flush heat,' na parang menopausal syndrome na nasa first stage. Bata pa ako at siguro kaya nagkaroon ako nito ay dahil maaga akong nag-menstruation," kuwento ni Melanie, na ang tinutukoy ay ang "hot flash."


"Hindi ko nga alam dahil napaka-active ko, pero nag-‘flush heat' ako sa States—three times! Ang asawa ko [Adam Lawyer] ang nagsabing it's a menopausal syndrome."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Nasa snow kami noon kaya lahat ay nakabalabal ng mga winter clothes, ‘tapos ako naghubad hanggang sa naka-sando lang ako. Nainitan ako kaya I took off all my winter clothes, just to enjoy smelling the breeze. Ang sarap, pero mga minutes lang 'yon, biglang bumalik ang lamig."



Ayon kay Melanie, puwede pa rin daw siyang magbuntis kaya nga lang ay hindi nila natiyempuhan noong nasa Amerika sila. Sinabi ni Melanie kay Adam na kailangang mabigyan siya ng baby dahil ito na ang kanyang huling pagkakataon para mabuntis.

"Sabi niya [Adam], if it's God's will... Kasi natatakot siya dahil may heart problem ako, natatakot siya na mawala ako. Sabi nga niya, my life is more important kaya ayaw niyang kumuha ng risk. Baka may mangyayari raw sa akin at sa baby. Ayaw niyang maging abnormal ang isisilang ko. Sa edad namin ay talagang napaka-high ng level ng risk," salaysay ng dating beauty queen, who will turn 43 years old on July 16.



Ang tanging pakonswelo na lang daw ni Melanie ay normal ang huling panganganak niya at very active pa silang dalawa ni Adam.

"No, hindi namin kailangan ng [artificial] insemination dahil we're both still active and I'm still having my period. Ang worries lang naman nito ay ang health ko. Pero sabi ng doktor ko ay puwede pa rin akong manganak, although may ilang doctors na nagsabing I can't because of my age. But some said, it's just natural. A lot of women naman give birth as long as you have period," sabi ni Melanie.



"Pero siyempre, gusto lang niyang [Adam] makasigurado. Aalis kami ng April. Ako, may plano talaga. Pero siya, hindi ko talaga alam. Pero kung hindi niya ako bibigyan ng sperm niya e di wala akong baby!" natatawa niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN