Manilyn Reynes takes on the role of a storyteller in "Lola Basyang"


Manilyn Reynes plays the storyteller in "Mga Kuwento ni Lola Basyang." She makes it clear, however, that she is not Lola Basyang, but the latter's granddaughter, Gervie.


Nang ipatawag ng program manager ng GMA-7 na si Redgynn Alba ang actress-singer na si Manilyn Reynes for a meeting, kinabahan siya dahil akala niya ay tsutsugihin na siya sa Bakekang. Pero nang sabihin ni Redgynn na si Manilyn ang magiging storyteller sa Mga Kuwento ni Lola Basyang, na-confuse naman ang aktres at di malaman kung siya ba ang gaganap na lola.

Naisip kasi ni Manilyn na masyado pa siyang bata para maging Lola Basyang. Pero ipinaliwanag naman sa kanya ng program manager na gagampanan niya ang role ng apo ni Lola Basyang, si Gervie, sa bagong Sunday primetime show ng GMA-7.

Akala ni Manilyn ay madali lang ang kanyang gagawin, na magbabasa lang siya ng libro gaya ni Lola Basyang. Pero na-realize niyang mahirap din pala ito dahil malaking responsibilidad ang makapag-bahagi siya ng moral values at kahalagahan ng bawat istoryang ikukuwento niya. Pero happy naman daw si Manilyn sa kanyang bagong project sa GMA-7.

Very nostalgic para kay Manilyn ang Mga Kuwento ni Lola Basyang dahil, sa film version nito noong 1985 na iprinodyus ng Regal Films, kasama ang dating child actress. Ang yumaong comedienne na si Chichay ang gumanap na Lola Basyang samantalang si Manilyn ay kasama sa episode nina Maricel Soriano at William Martinez.

Ngayon, more than 20 years after, si Manilyn na ang taga-kuwento. Dahil dito kaya naisip ng aktres na, definitely, ay nag-mature na siya sa mga ginagampanan niyang roles sa pelikula man o telebisyon.

Bukod nga sa Mga Kuwento ni Lola Basyang ay kasama rin si Manilyn sa Bakekang. May talk show din siya sa QTV 11 na Moms, kung saan kasama niya sina Lani Mercado at Sherilyn Reyes. Pero ayon kay Manilyn ay magtatapos na ang Bakekang sa Marso.

"Alam ko na yun, nag-meeting na kami. Na-extend lang nang na-extend. Okay lang na, halimbawa, bago matapos ang Bakakeng ay i-pull out ako. Pero I doubt it, dahil ang story ngayon, pumapasok na ang lahat ng characters. So tatapusin ang Bakekang na kasali ako," pahayag ni Manilyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Janaury 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa sobrang hectic ng schedule ni Manilyn ngayon, Linggo na lang daw ang pahinga niya.

Samantala, sinabi ni Manilyn na ayaw nilang pag-artistahin ng asawa niyang si Aljon Jimenez ang dalawa nilang anak na lalaki. Choice daw mismo nila ni Aljon na huwag munang mag-artista ang mga anak nila dahil nag-aaral pa ang mga ito.

Pinagdaanan daw kasi ni Manilyn ang stage na ganito kaya she knows what's best. Nagsimula siyang mag-artista nuong 10 years old pa lang siya, although hindi niya sinasabing napabayaan ang studies niya dahil nakaabot naman siya hanggang second year college. Si Aljon ay nag-artista rin dati at naging katambal pa nga nina Ruffa Gutierrez at Aiko Melendez.

"Kung gusto nilang mag-artista, okay lang, basta magtapos muna sila ng pag-aaral," sabi ni Manilyn, who will turn 35 years old on April 27.

Ibinahagi rin ni Manilyn ang goal niya na bago siya mag-37 ay gusto niyang magkaanak ng babae.

"Kung lalaki ulit? Wala akong magagawa kung ano ang ibibigay, pero sana babae, pag-asam pa ng hands-on mom na walang yaya sa kanyang mga anak.

Bilang pangwakas, sinabi ni Manilyn na very happy at contented siya ngayon sa kanyang personal life. Ilang beses na rin daw siyang umiyak in the past, kaya dapat lang na maging masaya naman siya ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN