Eddie Garcia shares his secret of long and healthy life


"It's a matter of moderation. You watch your diet, you exercise. You don't abuse yourself," says Eddie Garcia about staying fit and healthy.


Sa edad niyang 87, aktibong-aktibo pa rin ang beteranong aktor na si Eddie Garcia sa larangan ng pag-arte magpahanggang ngayon.

Kumpara sa mga kasabayan at kasing-edad ni Manoy—kilalang tawag kay Tito Eddie ng mga taga-industriya at maging ng kanyang mga tagahanga—nakamamangha kung paanong napapanatiling malakas ng veteran actor-director ang kanyang pangangatawan.

"It's a matter of moderation. You watch your diet, you exercise. You don't abuse yourself," sabi ni Tito Eddie sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Asian Treasures.

Sa pagbabantay sa kanyang diet, gulay raw ang madalas niyang kainin. "Usually vegetable, then fish," ang sabi ng multi-awarded actor and director.

Pagdating sa pag-ehersisyo, ibinihagi ni Manoy ang kanyang regimen: "About three times a week, I do brisk walking and brisk jogging, about a couple of hours, [then] light weights. Hindi naman masyadong mabigat, just enough to keep you trim and sweat it out."

Religiously raw itong ginagawa ni Tito Eddie kung kaya naman lampas na lampas na siya sa life expectancy ng mga Pinoy, na sa ngayo'y tinatantiyang nasa 67 years old.

Sinabi rin ni Tito Eddie na wala pa siyang matatawag na chronic illness sa kabila ng kanyang edad. Umiling si Tito Eddie, napangiti, at pabirong kumatok sa mesa.

Sa kabila ng kanyang edad, tila wala sa bokubalaryo ni Tito Eddie ang pagreretiro. Malaking bahagi ng kanyang pananatili sa industriya ang kanyang disiplina sa sarili. Sa tagal din niya sa industriya, halos lahat ng klase ng tao ay nakasalamuha na niya.

"Like in the last 57 years I've been in the film [industry], I never really had a problem with anyone. Wala namang problema 'yan e. All you have to do is do your part, do your role, don't give your director and the cast some problems by being late," paalala niya.



Mahigit 250 na ang pelikulang nagagawa ni Tito Eddie, bilang aktor at direktor, sa loob ng 57 taon niya sa Philippine show business. Hindi pa kasama rito ang hindi na rin mabilang na TV shows na sinalihan niya. Nagsimula siya sa larangan ng pelikula bilang contract star ng Sampaguita Pictures noong early ‘50s. Dahil sa mestizo features niya ay madalas na kontrabida ang papel niya sa mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Tito Eddie ang natatanging may karangalan bilang three-time FAMAS Hall of Famer dahil sa pagwawagi niya ng limang beses sa tatlong kategorya—best actor, best supporting actor, at best director. Siya rin, so far, ang may pinakamaraming nominasyong nakuha sa kasaysayan ng FAMAS with 34 nominations, bukod pa rito ang Lifetime Achievement Award at Fernando Poe Jr. Memorial Award niya.

Bilang pangwakas, nagbigay ng kanyang words of wisdom si Manoy: "Whatever you do, if you could do it today, you would do something else tomorrow. So why wait for tomorrow what you could do today?"

Regular na napapanood ngayon si Tito Eddie sa Asian Treasures ng GMA-7 kasama sina Robin Padilla at Angel Locsin. Kasalukuyan ding palabas sa Indie Sine ng Robinsons Galleria ang pinagbibidahan na independent film ng beteranong aktor—ang ICU Bed#7, na nagbigay kay Tito Eddie ng Best Actor award at Best Diretor para kay Rica Arevalo sa 2005 Cinemalaya Independent Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN