Sharon commended as TV host in the Asian TV Awards


Sharon Cuneta was Highly Commended as Best Entertainment Presenter in the 2006 Asian TV Awards for her show, Sharon.



Nag-text sa amin ng madaling-araw kahapon, February 3, ang Megastar na si Sharon Cuneta upang ibahagi ang balitang natanggap niya mula sa executive producer ng show niyang Sharon sa ABS-CBN.

Obvious na masaya si Shawie sa natanggap niyang text kaya kahit mag-uumaga na 'yon, nagawa pa niyang i-share ang good news.

Heto ang text ni Sha sa amin: "Dear family and friends, from my executive producer, Crissy! I don't know exactly what I won pero maryosep, sounds good! Praise God!"

Ito ang natanggap na text ng megastar mula sa kanyang EP: "Inay, I also want to take this time to congratulate you on your win as Highly Commended as the Best Entertainment Presenter for the Asian TV Awards 2006! I received the formal letter of congratulations yesterday. Will send u your certificate and brochure from the event on Sunday po. Inay, love you and congrats!"

Sa Singapore ginagawa ang ceremonies ng Asian TV Awards. Dito rin nanalo ang Eat Bulaga! noong 2005 bilang Best TV Special para sa 25th anniversary presentation nila. Last year, tanging si Michael V ang nag-uwi ng tropeyo mula sa Pilipinas para sa Best Comedy Actor.

Sa rekognisyong nakuha ni Sharon sa Asian TV AWards 2006, malaking karangalan na rin ito para sa bansa at sa ating Megastar.

Sa darating na Sabado, February 10, ay gaganapin sa Araneta Coliseum ang first major concert ni Sharon this year na My Mega Valentine 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN