Sunshine Dizon: "It's as simple as respect."


Bakekang lead star Sunshine Dizon was offended when Matt Evans of Pedro Penduko unexpectedly showed up while she was still performing on stage during the closing ceremonies of the Dinagyang Festival in Iloilo.


Kalmado at maayos na isinalaysay ng young actress na si Sunshine Dizon ang mga pangyayari sa closing ceremonies ng Dinagyang Festival sa Iloilo.

"Kasi, I think yung [Dinagyang] foundation nakiusap sa amin na during the one-hour spot, maghati daw. So, 30 minutes for GMA and 30 minutes for the other network [ABS-CBN]," panimulang salaysay ni Sunshine sa panayam sa kanya ng Startalk noong Pebrero 3.

Ayon pa kay Sunshine, nagmamadali raw ang mga taga-ABS-CBN dahil may hinahabol silang flight nang gabing iyon. Subalit nang tanungin kung gusto na nilang maunang mag-preform ay tumanggi sila kung kaya't si Sunshine ang unang isinalang.

Nang ipinakilala si Sunshine, nagtungo ang aktres sa stage at doon ay in-interview siya ng isang local host ng Channel 7. Ngunit habang in-interview, ayon kay Sunshine, "Bigla na lang may pumasok na live feed na parang interview ng Sky Cable. Tapos pumapasok 'yong audio nila [ABS-CBN], so nai-interrupt yung aking interview. That happened twice."

Hindi na lamang daw ito pinansin ng aktres sa pag-aakalang coincidental lamang ang nangyari. Ngunit sa salaysay ni Sunshine, habang kumakanta siya, "Meron na palang commotion sa gilid kasi yung tatlong, what you call this, tatlong staff from the other network were saying na kailangan na raw silang isalang agad-agad kasi daw they have to catch a flight at 7:20 pm."

Sa panahong iyon, ayon kay Sunshine, nakiusap ang isang staff ng GMA-7 na patapusin na lamang si Sunshine na noon ay kumakanta pa. Gayundin, nagkasundo ang mga staff ng parehong network na gawing alternate na lang ang pagpe-perform.

Habang may isa pa sanang natitirang song number si Sunshine, umakyat na diumano ang local hosts ng dalawang network. Patuloy ni Sunshine, "Sabi ng host ng Siyete [Channel 7] sa mga tao, ‘Gusto n'yo pa bang kumanta si Sunshine?' Sigawan 'yong mga tao, ganyan. So, biglang in-interrupt siya ng host ng kabilang network. Ang sabi niya on stage was, ‘Nanonood ba kayo nung...' Ano'ng title ng show sa kabilang network?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito ng interview, naglabas na ng sama ng loob si Sunshine. "Tapos, nagugulat na ako kasi you don't do that. You're a host, you don't do that. Alam mo, kung artista mong nakasampa sa stage ay galing sa ibang network... ang isisigaw mo kung nanonood sila ay the show from the other network?" sabi ng aktres.

"And that host never acknowledged me on stage. The only time that she looked at me was when she said, ‘Thank you, Sunshine Dizon. Thank you, Sunshine Dizon,' to my face," dismayadong pahayag ni Sunshine.

Noong mga oras ding iyon, ayon kay Sunshine, ay nawalan ng audio ang microphone nila ng local host ng GMA-7. Ang sumunod na pangyayari ay napansin na lamang ni Sunshine si Matt Evans—ang bida sa show ng ABS-CBN na Pedro Penduko—na nasa likuran na niya at sigawan na ang mga tao.

Patuloy na kwento ni Sunshine, "He walked towards me, ako naman I smiled ‘coz ayaw ko rin namang mambastos, 'di ba? And I don't want the people watching me to know that there's something going on, na may nangyayari na, 'di ba?"

Nang tanungin kung mayroong humingi ng tawad sa kanya matapos ang mga pangyayari, ang naging sagot ni Sunshine ay, "Wala, wala. Even the people from the Foundation of Dinagyang never said a word. And those people from the other network never said anything."

Samantala, nilinaw naman ng aktres na wala siyang sama ng loob mismo kay Matt. Ngunit para kay Sunshine, "Ang akin lang dito, kung nautusan man siya na right then and there, ‘Kapag tinawag 'yong show mo kailangan pumasok ka na,' ikaw, bilang tao din, alam mo dapat 'yon. Ethics 'yon, e, 'di ba?"

Dagdag pa ng aktres, "Ikaw, whether bago kang artista, luma kang artista, sikat ka o hindi, matuto tayong magbigay respeto sa bawat isa because at the end of the day it doesn't really matter what station you are from. Tao ka, dapat marunong kang makipagkapwa-tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayundin, nanawagan si Sunshine sa mga taong sangkot sa naturang pangyayari. "At saka sa mga taong din na alam may pagkakamaling kayong nagawa o ginagawa, let's all take responsibility for our actions. Hindi 'yong magpe-pretend tayo na nothing happened," pahayag ng aktres.

Pasintabi rin ng aktres sa ibang network at sa kanilang mga baguhang artista, "Sana din turuan din sana 'yong mga bagong artista na kung ano 'yong proper ethics kapag ikaw ay nagtratrabaho, 'di ba? Hindi 'yong isasalang n'yo na lang and whatsoever, tapos kapag nagkamali ay hayaan mo na. Hindi naman tama 'yong ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN