Polo Ravales shows up at Ara Mina's concert


Half-naked Polo Ravales joins girlfriend Ara Mina on stage during the concert of the sexy actress-singer at Araneta Coliseum last Saturday.


Sa concert ni Ara Mina na Loving Ara noong Sabado, January 3, sa Araneta Coliseum, ay nasagot din ang tanong ng marami kung darating nga ba o hindi ang boyfriend ng sexy actress-singer na si Polo Ravales. Hindi lang sumipot si Polo, kundi nagkaroon pa ng special participation sa isang production number ni Ara.

Nagsimulang magkaproblema ang relasyon ng dalawa noong nakaraang taon, gawa ng kaliwa't kanang projects abroad ni Ara. Sa sobrang pagiging abala, hirap mahanapan ng panahon ni Ara si Polo.

Dahil sa kakulangan ng oras para sa isa't isa ay nagdesisyon munang "mag-cool off" ang magkasintahan para bigyan ang sarili ng space at mapag-isipan ang bagay-bagay tungkol sa kanilang relasyon. Pero parehong nagpahayag sina Ara at Polo ng pag-asa na maaayos kung anumang problema meron sila.

Ilang araw bago ganapin ang concert ni Ara ay nagtampo si Polo nang mapabalitang hindi siya kasama sa line-up sa concert ni Ara. Ngunit taliwas sa naglabasang balita na baka hindi siputin ni Polo ang concert ni Ara, maaga pa lang ay namataan na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor sa dressing room ng Araneta Coliseum. Hindi lang siya naroon para sumuporta kay Ara kundi may partisipasyon din siya sa concert.



Habang kinakanta ni Ara ang awiting "I Didn't Know I Was Looking For Love," pumasok ang naka-maskarang si Polo at isinayaw ang sexy singer-actress.



Pagkatapos ng nasabing number ay tinanong ni Ara si Polo ng: "Love mo pa ba ako o hindi na?"

"Of course," ang isinagot ni Polo.

"Ayusin natin after the concert," sabi ni Ara na ang tinutukoy ay ang kanilang relasyon ni Polo.



Pagkatapos ng concert, habang ini-interview ng entertainment press si Ara sa dressing room nito ay biglang lumapit si Polo upang ikongratulate ang kasintahan dahil sa success ng kanyang concert. Tinukso ng entertainment press sina Ara at Polo na pinaunlakan naman ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Gusto kong pasalamat sa kanya na supportive siya kahit na nasa rough stage kami," banggit ni Ara tungkol kay Polo.

Tinanong ng PEP sina Ara at Polo kung ano ang pag-uusapan nila ngayong tapos na ang concert ng singer-actress.



"Kung paano namin mawo-work out na mase-save [yung relationship]. Aayusin namin kung ano ang dapat ayusin," sagot ni Ara.

Sinang-ayunan naman ito ni Polo at sinabing, "Titingnan namin kung kaya pang mag-work after nitong concert."



Dagdag pa ng sexy actor, "Definitely, we'll talk. I just hope... Hinayaan ko kasi na si Lord ang gumawa ng sign kung kami pa rin o hindi na e. At least kahit cool off kami, we're okay."



Sa kabila ng "lie low stage" nila ngayon, tinitiyak nina Ara at Polo na bukas pa rin ang communication lines nila para sa isa't isa.

Ani Ara, "Yeah, every day we talk. Every day, we text each other."



Nitong darating na Valentine's day, malabong magkasama sina Ara at Polo dahil may show ang dalaga sa Rembrandt Hotel.

Nang tanungin si Ara kung manonood si Polo, sinabi ng sexy actress na, "Hindi ko sure. Hindi ko alam kung ano'ng lakad niya."



On a brighter note, positibo naman si Ara sa kahihinatnan ng relasyon nila ni Polo. Lalo na ngayong magkasama sila saGMA-7 action-adventure series na Lupin na nakatakdang magsimula sa Marso.

Nang tanungin kung sa tingin nila ay makakatulong ang pagsasama nila sa iisang show upang manumbalik ang maganda nilang pagtitinginan, sinabi ni Ara na, "Baka, kasi problema namin time, di ba? So mas madalas kaming magkikita nun."

Dagdag pa niya, "Happy ako kahit ganito ang situation namin, nandiyan pa rin siya to support me. Gusto ko rin, feeling ko mga 98 percent [kaming magkakabalikan]. Time lang naman kasi e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN