StarStruck Avenger Vaness del Moral denies relationship with a lesbian


"Pinaghahandaan po kasi yun. Kung gagawin ko ang isang delikadong bagay na tulad ng ganun, kailangan po, handang-handa ako—emotionally and physically," says StarStruck 3 Avenger Vaness del Moral about posing for sexy magazines.



Napasigaw ang StarStruck 3 Avenger na si Vaness del Moral nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoo ang balitang may karelasyon siyang tomboy ngayon.

"Ay, my gosh! Hindi po totoo ‘yan! Wala po akong syotang tomboy, " bulalas ni Vaness nang nakausap namin sa isang restaurant sa Kamuning.

Ayon kay Vaness, hindi niya alam na may isyung ganito tungkol sa kanya.
Wala raw siyang kasintahan ngayon, lalaki man or tomboy. Ni wala nga raw nanliligaw sa kanya. At hindi naman daw siya nagmamadaling magkaroon ng boyfriend.

Pero sinabi sa amin ng young actress na hindi niya minamaliit ang mga lesbians. In fact, kung sakaling may manliligaw sa kanyang tomboy, hindi niya raw ito itataboy, dedeadmahin, o pagmamalditahan.

Sinabi pa ni Vaness na hindi imposibleng maging close siya sa isang tomboy lalo na kung mabait naman, presentable at matinong tao ito. Hindi kailanman naging isyu sa kanya ang sexual preference ng isang tao para maging kaibigan niya.

Welcome sa kanya kung may lesbiyanang manliligaw sa kanya. Pakikitunguhan niya raw ito nang maganda kung tao rin itong haharap sa kanya.

Isa si Vaness sa pinakaseksi sa batch nila ng StarStruck. Hindi rin niya isinasara ang pinto sa pagkakataong mag-pose nang sexy sa mga men's magazine, gaya ng FHM.

Alam niyang uso ngayon sa mga kabataang artista, babae man o lalaki, ang mag-pose sa sexy magazines. Pero ayon kay Vaness, hindi pa siya ready at this time.

"Pinaghahandaan po kasi yun," sabi niya. "Kung gagawin ko ang isang delikadong bagay na tulad ng ganun, kailangan po, handang-handa ako—emotionally and physically."

Dagdag pa niya, "Hindi naman po ‘yun ‘yung basta na lang ako maghuhubad at haharap sa kamera. May mga preparations po yun para naman lumabas na maganda."

Ang sisiguraduhin lang ni Vaness, hindi lalabas na baboy o bulgar ang gagawin niyang pictorial if ever dumating na ang pagkakataong ‘yon sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dati ay madalas silang ma-link ng ka-batch niya sa StarStruck na si Vivo Ouano. Pero lately ay hindi na raw sila nagkikita at nagkakasamang madalas.

"May sari-sarili na po kasi kaming mundo," pabiro pang sabi ni Vaness bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN