Pauleen Luna admits she still loves Marvin Agustin


"Mahirap kalimutan kasi he's my first serious relationship," says Pauleen Luna about ex-boyfriend Marvin Agustin.



Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang kumpirmahin ng young actress na si Pauleen Luna na break na sila ng aktor na si Marvin Agustin. Ito ay pagkatapos sundin ni Pauleen ang kanyang mga magulang, na very open sa pagsasabing hindi sila pabor sa pakikipagrelasyon ng anak kay Marvin.



Ayon sa ilang interviews sa ina ni Pauleen na si Mommy Chat, ungentleman daw si Marvin. Ito raw ang dahilan kung bakit nanlamig ang pakikitungo nila sa boyfriend ng anak.

May mga nagsasabi rin na baka dahil sa age gap—Marvin is 28 while Pauleen is only 18—at pagkakaroon ng anak sa pagka-binata ni Marvin ang nagmulat sa mata ni Pauleen na hindi talaga ang aktor ang tamang lalaki para sa kanya.



Samu't saring mga palagay at opinyon na binigyang-linaw naman ni Pauleen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday, February 3, sa backstage ng Eat Bulaga!, sa Broadway Centrum.



"Definitely not the age gap or pagkakaroon niya ng anak," paglilinaw ni Pauleen. "May ibang mga bagay na di pinagkasunduan, especially with my parents. Sabi nga ng Dad ko, he thinks that Marvin is a very responsible guy. It's just that sana huwag muna ngayon and I think huwag na nga lang muna.



"Actually, ako ang umiintindi. Very rare na makakita ka ng katulad ko na pipiliin ang parents over a boyfriend. Yun na nga ang sinasabi ko kay Mommy...di lahat ganito. Ang daming rebelde, ang daming lumalayas. And ako, I never answered [back]."



Dagdag pa niya, "I told nga Marvin that he has to understand me. I need the guidance of my parents. Of course, masakit sa kanya because I gave him a no-choice situation. Tatlo kami, isa lang siya."



NAOSPITAL. Ayon kay Pauleen, hindi niya raw talaga ugali ang sumagot sa magulang. Isang ugali na nagdala sa kanya sa ospital nang piliin niyang manahimik minsang pinagalitan siya ng kanyang Mommy dahil kay Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Three weeks ago, na-hospital ako dahil pinagalitan ako ni Mommy. Hindi ako sumasagot, pinipigil ko ang sarili ko. Hanggang di na ako makahinga, nag-hyperventilate na ako. Dinala ako sa hospital," kuwento niya.



Tungkol naman sa diumano'y pagiging ungentleman ni Marvin, ito ang pahayag ni Pauleen: "Nobody's perfect. Mayroon talagang mga gestures na wala si Marvin na mayroon ang ibang tao. Mayroon ding gestures si Marvin na wala ang iba. I can't say na lahat ng pag-act ng pagiging isang gentleman ay na kay Marvin."

May balita ring gimik lang daw ang hiwalayang Marvin at Pauleen dahil nakita raw silang magkasama sa Dominican College kamakailan. Mariin itong pinabulaanan ng co-host ng Eat Bulaga!



"That's not tue," sabi ni Pauleen. "Birthday niya [Marvin] nung araw na yun, wala siya doon. I'm with my best friend. May program sila, sumayaw siya so nandun ako to support. Paano masasabing nandun si Marvin e nung dumating ako, pinatabi ako dun sa tabi ng principal, sa long table? I was with my Mom, Tita, bestfriend ng mom ko, and best friend ko."

BUMABALIK. Ang inamin ni Pauleen ay ang lumabas na balita na binabalikan siya ni Marvin.



"Nahirapan siyang tanggapin," sabi ng dalaga. "But then, kaya din lumuwag na ang kalooban ko ngayon kasi narinig ko na galing sa kanya... Nung batiin ko siya last birthday niya [January 29], na okay na siya. Sabi nga niya, maghihintay daw siya but I don't wanna expect.



"Sabi nga ng mga friends niya, ibang-iba na raw si Marvin sa dating Marvin na kilala nila. Di na siya gumigimik. ‘Pag may party, bigla na lang siyang nawawala kasi nasa amin na pala. They say nagbago raw talaga yung tao, na mahal talaga ako ni Marvin. Sabi daw ni Marvin sa kanila, ‘I'll never gonna love like this again,'" kuwento pa ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado rin si Pauleen na mahal pa niya si Marvin. Hindi rin daw siya nagsasara ng pinto na maaaring isang araw ay sila pa rin palang dalawa.



"Mahirap kalimutan because he's my first serious relationship," pag-amin niya. "Sabi ko nga sa kanya, ‘Don't get me wrong, I didn't do this to hurt you. I did this because I want to be an obedient daughter.' And he understands. Hindi ko naman ginawa ito para saktan siya kundi gusto ko lang sundin ang magulang ko."

Sa kabila nito ay maayos na raw ang kalagayan ng dalaga ngayon.

Pagtatapos ni Pauleen, "Okay na ako, better. Life has to move on, so don't dwell on the things that make you sad."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN