Krystal not competing with Charming


Child actress Krystal Reyes is not bothered at all by comparisons with Princess-Charming co-star Eunice "Charming" Lagusad.



Tuwang-tuwa ang child actress na si Krystal Reyes dahil nakabili na siya ng sariling sasakyan. Ito ang masayang ibinalita ng isa sa bida ng Princess- Charming sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nang makausap namin siya last Friday, February 2, sa Old Spaghetti House, Sgt. Esguerra, Quezon City.

Ayon kay Krystal, humihiram lamang sila ng sasakyan mula sa kanyang lolo tuwing nagpupunta sa location taping. Kaya malaking ginhawa ang pagkakaroon niya ng sariling sasakyan.

"Hindi naman po kasi pwedeng mag-taxi lang o mag-jeep dahil ang laki-laki lagi ng maletang dala-dala ko," sabi ng rising child star. "Kaya nga po ang laki ng pasalamat namin nang manalo ako sa All Star K nina Tito Allan K at Tita Jaya. Bale ka-partner ko po roon si Tita Lotlot [de Leon]. Yung napanalunan ko po sa All Star K ang ipinambili namin ng Nissan Vanette." Nangyari ang All Star K appearance ni Krystal nung December 24.

Malaki rin ang pasasalamat ni Krystal dahil nabigyan siya kaagad ng malaking proyekto sa GMA-7, ang Princess-Charming, pagkatapos ng Bakekang.

"Masayang-masaya po ako dahil ako yung napili nila para bigyan ng project na ito. Yung iba po na matagal na sa showbiz, hindi nabibigyan. Samantalang ako, kailan lang pero ang laki-laki po ng project at isa na agad ako sa bida," very proud na sabi pa ng child actress.

ARTIST CENTER. March 2006 lang nag-acting workshop si Krystal. Pero kaagad siyang pinapirma at ang kanyang mga magulang ng kontrata ng GMA Artist Center nang mag-audition siya para sa ilang shows ng Kapuso Network.

Nakita ng Artist Center ang potensiyal ni Krystal kaya't pinag-audition muli ang sampung taong gulang na bata para makakuha ng role sa Pinakamamahal.

"Nag-text nga po sila sa amin at pinapupunta ako sa Broadway. Yun pala, dun ang taping ng Pinakamamahal. Pero hindi po ako napansin dun kasi maliit lang yung role ko. ‘Tapos nag-audition na naman kami para sa Bakekang naman po," kuwento ni Krystal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, nang mag-audition po ako, sabi nila sa akin, matagal na raw nila akong hinahanap. Yun na nga po, ibinigay nila sa akin yung role na Krystal. Natutuwa po ako rito dahil talagang napansin ang galing ko sa pag-arte.

"Sa Bakekang din po ako nakilala nang husto. Dahil sa Bakekang, may nagpapa-autograph na sa akin. Kaya po nagpaturo ako sa Mommy ko kung paano mag-autograph. May nagpapa-picture na rin," excited na sabi pa ni Krystal na Grade 4 student sa Grace Christian Academy sa Bulacan.

At dahil sa popularity ng character niya sa Bakekang kaya pinalitan ang screen name niya from Jolina Reyes to Krystal Reyes.

CRYING CHILD. Ilang buwan lang sumailalim sa acting workshop ng GMA-7 si Krystal subalit animo'y beterana na ito pagdating sa iyakan. Tulad ni Eunice Lagusad (gumanap na Charming sa Bakekang), hinangaan sila kapwa sa galing sa pag-iyak.

"Mabilis nga po akong umiyak kasi po nadadala ako sa eksena," sabi ni Krystal. "Iniisip ko po na totoo yung ipinapagawa sa akin. Kapag ganun na po, mabilis na akong nakakaiyak. Dito nga po sa Princess-Charming talagang lagi akong umiiyak kasi po nabalitaan kong patay na ang parents ko, tapos lagi akong sinasaktan."

Maganda man ang takbo ng career ni Krystal, hindi nito isinasantabi ang pag-aaral. Ito pa rin daw ang priority niya.

"Kaya ko po namang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista. Nagpapa-tutor po ako and yung mga grades ko po naman ay okay pa rin. Nakaka-line of nine pa rin ako at nakakakuha ng perfect sa exam, 'tulad sa Computer at GMRC," pagbibida pa ng bata.

Hangad ni Krystal na lalo pang gumanda ang career niya at matulad sa idolong si Jolina Magdangal. Nais naman niyang makatrabaho some day sina Jennylyn Mercado at Angel Locsin, gayundin sina Mark Herras, Richard Gutirrez, at Dingdong Dantes. Bukod daw sa magagaling ang mga ito, paborito rin niya ang mga naturang young stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nagpapadala si Krystal sa intrigang mas magaling umarte sa kanya si Charming (Eunice). Aniya, "Ganoon naman po talaga sa showbiz, maintriga, e. Pero okay lang po kung sinasabi nilang mas magaling sa akin si Charming. Pero magkaibigan po kami.

Dagdag ng napaka-cute na si Krystal, "Nami-miss ko na nga po siya dahil kahit magkasama kami sa Princess-Charming, magkaiba naman kami ng unit. Basta hindi ko na lang pinapansin ang mga intriga, kasi hindi naman po totoo ‘yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN