Eddie Guttierez and sons come together in a commercial


Eddie Gutierrez will star with his four sons—Richard, Raymond, Elvis, Rocky, and Elvis in a brandy commercial.


Doble ang saya ng mga Gutierrezes sa pagdiriwang ng kanilang ama na si Eddie Gutierrez ng kanyang 65th birthday noong Martes, February 6, sa poolside ng One McKinley Place sa Fort Bonifacio Global City—kung saan matatagpuan ang multi-million condo unit ni Richard Gutierrez.

Bukod sa pagdiriwang ng kaarawan ay may isa pang rason kung bakit extra special ang celebration ng Gutierrez patriarch. Noong gabi ring ‘yon, pagkatapos siyang kantahan ng birthday song at i-blow ang nag-iisang candle sa kanyang birthday cake, naganap ang pirmahan ng kontrata para sa TV commercial na gagawin ni Tito Eddie, kasama ang apat niyang anak na lalaki—Richard, Raymond, Rocky, at Elvis—para sa Emperador brandy.

Hindi nakasali si Richie Paul dahil 19 years old pa lamang ito. Kailangan pala ay at least 21 years old ang edad para maging endorser ng alak.

Sa February 15 naka-schedule ang kanilang shoot para sa TV commercial ng Emperador brandy.

The day after the party ay naka-schedule mamili ang mag-aama ng mamahaling suits—Giorgio Armani, Hugo Boss at Paul Smith—na isusuot nila sa nasabing TV commercial.

Bago si Tito Eddie ay nauna nang magkaroon ng Advil commercial si Tita Annabelle kasama naman ang kambal na sina Richard at Raymond.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN